Category: Police Patrol

Construction worker, arestado sa pananaksak

Nagtamo ng sugat sa leeg at ulo ang isang trabahador matapos itong saksakin ng isang construction worker dakong 3 ng hapon ng Pebrero 5, 2017 sa looban, Iglesia ni Cristo, San Luis, Baguio City.

Internal cleansing sa pulis ng Region I, simula na

CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO – Nagsagawa si Police Chief Superintendent Gregorio R. Pimentel, regional director ng Police Regional Office 1 (PRO1), ng surprise inspection noong Pebrero 6 sa lahat ng mga pulis ng PRO1 at sa kanilang mga personal na sasakyan bilang bahagi ng internal cleansing program ng Philippine National Police. Ayon kay Pimentel, […]

NPA suspek sa pagpatay ng pulis, huli

CAMP BADO DANGWA, LA TRINIDAD, BENGUET -Matapos ang halos dalawang taong pagtatago ay nahuli ang diumano ay miyembro ng New Peoples Army (NPA) na pumatay sa isang opisyal na pulis na naaresto sa Parapad, Ambiong, La Trinidad, Benguet noong Pebrero 8, 2017.

19 anyos na dalaga, sugatan sa sumabog na LPG tank

Nagtamo ng 2nd degree burn sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng isang 19 anyos na dalaga nang sumabog ang liquefied petroleum gas (LGP) tank sa kanyang tinitirhan sa Middle Quirino Hill, Baguio City noong Enero 31, 2017, dakong ika-7 ng umaga. Ang biktimang kinilalang si Puleen Napaldet Angway, estudyante, ay nagtamo ng thermal burn […]

Supervisor ng Tesda, arestado sa libel

Dinakip ng mga tauhan ng City Investigation and Detection Management Unit (CIDMU) ang isang 59 anyos na supervisor ng Tesda-Cordillera noong Enero 31, 2017, dakong 2:30 ng hapon sa Abanao Street, Baguio City. Kinilala ang suspek na si Roger Valencia Dancel, may-asawa at residente ng Upper Ferguson Road, Baguio City.

Higit P100,000 halaga ng gamit ng 4 estudyante, tinangay

Tinatayang mahigit P100,000 ang halaga ng gamit na tinangay matapos na diumano ay nilooban ang isang boarding house ng apat na estudyante noong Enero 31, 2017, dakong 2:30 ng hapon sa Military Cut Off, Baguio City. Ang mga biktima ay kinilalang sina Adele Dea Guntalilib Llanillo at Elcid Valencici Constantino, pawang 18 anyos at sina […]

15 anyos, binugbog sa labas ng paaralan

Isang 3rd year high school ang binugbog ng kapwa niya mag-aaral sa labas lamang ng kanilang paaralan noong Enero 31, 2017 dakong 4:20 ng hapon. Ang 15 anyos na biktima ay estudyante ng Baguio City National High School-Main at residente ng Dizon Subdivision, Baguio City habang ang suspek ay kinilalang kabilang sa children in conflict […]

Binata, tinaga ng kuya sa Abra

Sugatan ang ulo at balikat ng isang 25 anyos na tricycle driver matapos itong tagain ng sarili nitong kuya dahil sa kalasingan noong Enero 31, 2017 sa Barangay Bascil-Dangdangla, Bangued, Abra. Kinilala ang biktimang si Jomar Paligutan Vasquez, single, tricycle driver, habang ang suspek ay ang kuya nitong si Joel Paligutan Vasquez, 33 anyos, single, […]

Amianan Balita Ngayon