Nagpahayag ng suporta si Senador Alan Peter Cayetano nitong Martes sa pagpapaliban ng unang regular na eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Aniya, mahalaga ito upang bigyan ng mas maraming panahon ang rehiyon na maghanda para sa eleksyon at mapanatili ang kapayapaan. Giit pa niya, mas
makatuwirang ipagpaliban ang eleksyon kaysa ituloy ito sa May 11, 2025 kung tunay na nakatuon ang bansa sa kapayapaan sa rehiyon.
Ito ang dahilan kung bakit sinusuportahan niya ang panukala (Senate Bill No. 2924 sa ilalim ng Committee Report
No. 466) na naglalayong ipagpaliban ang eleksyon sa BARMM hanggang Oktubre 30, 2025. “It would be more logical to give them this entire year to prepare for the elections and allow them to set long-term targets for their region and budget — targets that will shape the region in the next 5 to 10 years,” pahayag ni Cayetano sa plenary session noong January 28, 2025.
Hinimok din niya ang suporta para sa pagpapaliban ng eleksyon, na maaaring “makapagtipid sa gobyerno ng bilyun-bilyong piso.” Bagama’t dating kritiko siya ng Bangsamoro Basic Law, binigyang diin ni Cayetano ang kanyang
dedikasyon sa kapayapaan sa rehiyon. “I’m glad that when we shook hands now with the Bangsamoro government, it
was very warm because once upon a time we were debating harshly against each other,” wika ni Cayetano.
Kinilala rin ng senador ang malaking hamon sa mga pinuno ng BARMM sa pagpapatupad ng mga reporma lalo na’t
matagal nang mahirap ang rehiyon. “The reality is that if we go back to the status quo ante before the peace agreement, it would be dangerous for all of us,” aniya. “We need to stay invested in the peace process,” dagdag pa niya
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025