Character Assassination, maaaring magmintis sa taong malinis

Ang atake sa pagkatao (character assassination) ay isang sadya at tuloy-tuloy na proseso na sumisira sa kredibilidad at reputasyon ng isang tao, institusyon, organisasyon, grupong pantao, o bansa.
Ang mga ahente ng character assassination ay gumagamit ng magkahalong hayag at sikretong pamamaraan upang makamit ang kanilang mga layunin, gaya ng paghayag ng mga maling akusasyon, pagtatanim at pagkakalat ng “tsismis”, at pagmamanipula ng impormasyon.
Sa kalakaran, ang character assassination ay maaaring lakip ang pagdadalawang-salita, pagkakalat ng tsimis, paratang, insinuwasyon o sadyang pagbibigay ng maling impormasyon sa mga paksang may kinalaman sa moralidad, integridad at reputasyon ng mga tinutukoy.
Kabilang din dito ang pagpapa-ikot ng impormasyon na teknikal na totoo subalit ipinapakita sa paraang nakakalito o ipriniprisinta na walang kaukulang konteksto.
Sa politika, ang character assassination ay isang uri ng negatibong kampanya. Ang pagsasaliksik sa kalaban ay ang kaugalian ng pagkalap ng mga impormasyon sa isang tao upang magamit para sirain sila.
Ang smear campaign ay ang paggamit ng mga kasinungalingan o paninira.
Ang paghahatid-dumapit (scandal mongering) ay maaaring gamitin upang isama ang isang tao (kandidato) na may negatibong aktibidad sa isang mali o grabeng pamamaraan.
Marahil ang pinakapangkaraniwang uri ng character assassination ay ang pagkakalat ng mga alegasyon na ang isang kandidato ay isang sinungaling.
Kabilang din ang mga alegasyon na ang isang kandidato ay masama hindi kanais-nais na miyembro ng kaniyang pamilya, may masamang relasyon sa asawa at o mga anak o hindi nirerespeto ng kaniyang mga kasamahan.
Isa pang tema na ipinupukol ay ang madalas na gumagawa ng nakakagambala, di katanggap-tanggap na pag-uugali gaya ng pang-aabusong seksuwal.
Maaari ding ipakitang ang isang kandidato ay tumatangkilik ng mga pananampalatayang malawak na itinuturing na kasuklam-suklam ng lipunan katulad ng rasismo o iba pang uri ng pagka-panatiko.
Ang atakihin ang kalaban sa pamamagitan ng character assassination ay maaaring may benepisyong political.
May tatlong kategorya ang pag-atake sa pagkatao. Una ang atake sa bawat-isa na kalimitang nangyayari sa mga demokrasya lalo na tuwing panahon ng halalan.
Ikalawa ay ang taas-pababang mga atake o mga awtoratismong rehimen na sumusupil sa mga indibiduwal at pangatlo ay ang
baba-pataas na atake, o mga indibiduwal na umaatake sa mga awtoratismong gobyerno o namumuno.
Sa mga taong tinutudla ng mga tangka ng character assassination ay maaaring magresulta ito sa pagtatakwil ng kanilang kumunidad, pamilya o mga miyembro ng kanilang pinagtratrabahuang kapaligiran.
Ang ganitong mga gawa ay kalimitang mahirap ng baligtarin o ayusin, atang proseso ay inihahalintulad sa literal na pagpatay ng isang buhay ng tao.
Ang pagkasirang natamo ay maaaring tumagal habang-buhay o kung pag-uusapan ang kasaysayan ay napakaraming siglo pa matapos ang kanilang kamatayan.
Mahalagang maintindihan na may tatlong katangian ang atake sa pagkatao, una dito ay ang kanilang intensiyon: dahil ang atake sa pagkatao ay sa tunay na kahulugan ay sinasadya.
Ikalawa ay ang pampublikong likas ng mga atake: dahil ang mga pribadong insult ay hindi nagdudulot ng pagkasira.
Ikatlo ay ang kahalagahan ng pagdama at pagtanggap ng publiko sa mga atake, ibig sabihin ay hindi na mahalaga o wala ng kaugnayan ang katotohanan ng mga alegasyon.
Ayon sa mga dalubhasa, ang character assassination ay isang sinasadyang tangka, kalimitan ng isang taong masyadong mapagpahalaga sa sarili (narcissist) at ng kaniyang kapuwa dumedepende sa ganitong gawa upang impluwensiyahan ang paglalarawan o reputasyon ng isang tao sa paraang magkaroon ng labis na negatibo o di kanais-nais na pagtingin sa kaniya.
Karaniwang sangkot ang sadyang sobra o manipulasyon ng mga katotohanan, pagkakalat ng tsismis at sinasadyang maling impormasyon upang ipakita ang hindi tunay na larawan ng isang
pinagtatangkaang tao, at walang rason at labis na kritisismo.
Isinalarawan ng mga may-akda ng librong Snakes in Suits: When Psychopaths Go to Work ang limang bahagi ng modelo kung paano ang isang karaniwang psychopath ay umaakyat at napapanatili ang kapangyarihan.
Sa ikaapat na bahagi na (konprontasyon), ay gagamitin ng psychopath ang pamamaraan ng character assassination upang mapanatili ang kanilang agenda.
Ang lahat ay hindi maganda kung ang kalayaan sa pananalita at ekspresyon ang paguusapan sa ating lipunan.
Ang tama sa politika sa atin ay gumagawa ng buong laya kung kalian at saan man ang kanilang pananaw ay tinatanong.
Ang problema ay hindi nila tinutugunan ang isyu bagkus ay rumeresponde ng pagpapakain ng galit ng iskandalo at pag-atake sa taong naglakas-loob na kuwestiyunin ang kanilang opinion.
Kaya ang kalayaan sa pag-iisip, pananalita at pagsusulat ng lubusan, subalit ang pag-iiba sa politikal na tama na pananaw sa isang paksa ay nagiging bawal, ang kalayaan ng pananalita ay hindi tanggap, at ang basikong demokratikong karapatan ay nanganganib.
Kung ang tama sa politika ay tangkang sakalin ang kalayaan sa pananalita – mayroon bang katotohanan ang mapipiga?
Gaano man ka-grabe ang atake at pangungutya sa publiko at batikos ng mga hindi umaayon kung wala namang nalabag na batas ang sinuman, ay maaaring magmintis ang atake sa pagkatao at manaig ang katotohan – ang tunay na pananaw ng sambayanan.
 
PMCJr.

Amianan Balita Ngayon