Chinese pwedeng mangisda sa West Philippine Sea?

Totoo ba ang balitang pinayagan ni Pres. Rodrigo Duterte ang China na makapangisda sa West Phil. Sea o Philippine Waters?

Singliwanag ng buwan at araw ang mensahe ni Pres. Duterte kamakailan na dahil magkaibigan ang China at Pilipinas, pinapayagan niya ang mga mangingisdang Tsino na mangisda sa ating teritoryo.

Ang mensahe ay ibinaba ni Pres. Digong pagkatapos ng mga kontrobersiya hinggil sa paglubog ng pangisdang Pinoy na Gem-Ver 1 sa Recto bank. At para mawatasang maigi ang isyu, ito nga ang ating uupakan mga pards:

Parang kulog na bumagsak sa bansa ang pahayag na ito ni Pres. Duterte. Mantakin mong pumayag siyang pwedeng mangisda sa ating karagatan ang mga Tsino dahil magkaibigan daw ang China at Pilipinas.

In short, para wala nang awayan. Natural ang unang nasaktan ay mga mangingisdang Pinoy kasi ang unang panawagan nila kay Pres. Duterte matapos ang sakuna sa Recto Bank ay pagbawalan na ang mga Chinese na mangisda sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Sa halip na pagbawalan ay kinabig pa ang mga singkit na makapangisda sa ating teritoryo. Una sa lahat, nang banggain ng Chinese vessel ang bangka ng mga mangingisdang Pinoy, ito ay
naganap sa ating sakop na teritoryo na gusto ring angkinin ng China.

Maliwanag na nasa bawal na lugal sila para mangisda. Pero dahil sa naging desisyon ni Pres. Digong, hindi na sila mababawalang manghimasok.

Ang resulta, talunan ang mga mangingisdang Pinoy dahil mas malalaki at high tech ang mga gamit pangisda ng mga Tsino.

Kaya nga lumalayo ang mga mangingisdang Pinoy sa karagatan dahil doon lang maraming mahuhuling isda.

Pero kung may mga kaagaw na sila, dagok ito sa kanilang kita at kabuhayan. Para bang isusubo mo na lang ang pagkain, aagawin pa ng mga dayuhan.

Kaya marami ang nabigla nang binigyangkaluwagan ni Pres. Digong ang mga Tsino na makapangisda sa ating sakup. Sabi ng mga analysts: direktang panghihimasok na sa ating karapatan at mapanganib ito sa ating seguridad.

Siyempre, malaya na ang mga Tsinong makalapit sa ating mga teritoryo. Hindi malayong madadagdagan pa ang mga teritoryong maari nilang puntiryahing angkinin.

At ang masakit, wala tayong laban upang pagbawalan sila baka humantong lang ito sa mas malaking problema.

May ulat ding tutulong daw ang ating gobyerno upang maiangat ang kaalaman at teknolohiyang pangisda ng ating mga kababayan. Ito raw ay upang puwedeng makipagsabayan sa teknolohiyang-pangisda ng mga dayuhan.

Maganda ang plano, kaya lang kung mababawasan naman tayo ng teritoryo upang mangisda, wala ring silbi ang naturang teknolohiya, di ba?

Dahil sa panibagong paninindigan ni Pres. Duterte na pumapabor sa mga mangingisdang Tsino, nabahala si Associate Justice Antonio Carpio kaya nasabi nitong “Illegal at labag sa konstitusyon” ang naturang pahayag.

Pero napundi yata si Pangulong Duterte kaya tinawag niyang “estupido” si Carpio. Tsk tsk, delikado na naman ang kontrobersiyang ito.

Baka sa halip na magkaisa ang ehekutibo at hudikatura ay magkakaroon ng lamat o patlang. Hirap daw kasi ang umupak nang patapos gawa ng padalos-dalos na desisyon.

Dapat kasi ay pag-aralang maigi ang isang desisyon bago ito ibaba o pairalin. Buong bansa vs. Locsin at VP Leni Robredo. Buti na lamang at hindi pumatol si Leni nang bansagang “boba”.

Haayyy buhay nga naman. Laging puno ng kontrobersiya. Ang liit na isla ang ating teritoryo pero higante ang mga problema! Adios mi amor, ciao, mabalos!

Amianan Balita Ngayon