CIRCULAR ECONOMY- TULUNGAN NATING MAGING POSIBLE

Noong Enero 31, 2025 ay opisyal na inilunsad ng Lungsod ng Baguio ang circular economy program nito na layong paliitin at baguhin ang mga basura na maging yaman para sa isang mas matatag at pangkapaligirang napapanatili na hinaharap ng lungsod. Ang programa ay dinaluhan ng mga kinatawan ng European Union-Green Economy Programme in the Philippines (EU-GEPP)/Green LGUs Project, United Nations Development, European Union Programme, delegasyon ng European Union in the Philippines, Dept. of Interior and Local Government International Relations at Dept. of Environment and Natural Resources.

Ang circular economy ay mga programang pinapangunahan ng komunidad na idinisenyo na palawigin ang lifespan ng mga nakonsumong produkto sa gayon binabawasan ang pressure sa likas na yaman. Ang pamamaraang ito ay nangangailangan ng pag-recycle o remanufacturing ng basura ng mga sambahayan sa mga bagong produkto na muling isama sa supply chain. Dahil sa mga inisyatibo at mga programa ng Lungsod ng Baguio ukol sa circular economy ay napahanga ang mga nagpapatupad ng Green LGUs Project ng United Nations Development
Programme (UNDP) at ng Dept. of Interior and Local Government (DILG).

Ang Baguio ay isa sa unang sampung local government unit na makikinabang mula sa EU-PH partnership para sa Green Economy Program in the Philippines (EUGEPP). Naglaan ang EU ng PhP3.67 billion upang bumuo ng mga inisyatibo sa circular economy sa hanggang 60 local government units sa Pilipinas hanggang sa taong 2028. Ang isang makabagong ideya napagtuunan ng pansin ng mga bumisitang ambassador ay ang eksperimento ng Baguio sa
black soldier fly larvae na gawin ang mga basura mula sa pagkain na maging compost o fertilizer, isang biotechnology na naging popular sa Central Luzon at kasalukuyang inumpisahan ng lokal na gobyerno sa Irisan Ecological Park, ang lugar ng dating tapunan ng basura ng lungsod.

Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, ang dami ng basura na hinahakot sa lungsod sa panahon ng kapaskuhan ay bumaba sa 50 metric tons ng Disyembre ng nakaraang taon matapos isagawa ang isang ciscular economy. Ang karaniwang naiipon na basura ay nag-aaverage ng 250 MT araw-araw, na dinadala sa isang commercial landfill sa Central Luzon matapos isara ang sariling dumpsite ng lungsod noong 2011. Ang lungsod ay gumugol ng PhP210 million noong nakaraang taon upang itapon ang basura nito. Noong Hulyo ng nakaraang taon ay inabandona ni Magalong ang lahat ng proyekto sa waste-to-energy na una niyang isinulong noong 2019 bilang isang solusyon sa pamamahala ng basura.

Sa halip ay pinili niyang tugunan ang wasteful consumption na nakita niyang ugat ng pagtaas ng pagbuo ng basura sa Baguio. Ang mga tao ay nagdudulot ng malaking bunto (pressure) sa likas na kapaligiran sa pamamagitan ng pagkuha ng mga materyales at pagbuo ng basura. Sa maraming pagtatangka, ang konsepto ng Circular Economy ay lumitaw na isang solusyon upang mas mabuti na magamit ang mga yaman at mapahusay ang pressure sa kapaligiran. Isang konseptong nakatuon sa teknolohiya na maaari ring makabuo ng mga pakinabang sa ekonomiya.

Sa kabila ng ilang depekto at kahinaan, ang Circular at Green Growth ay parehong lalong ginagamit sa mga polisiya at ito ang dahilan kung bakit mayroon tayong pananagutan na ituro ang kanilang depekto at magmungkahi kung paano sila mapabuti. Maraming mga aspeto na kailangang isaalang-alang nang sabay-sabay upang maglayon patungo sa tunay na sustainability. Totoong may potensyal ang circular economy, ngunit kung iniisip ng sinuman
na makakatulong ito tungo sa totoong sustainability, ito ay napakainam na pangarap.

May mga konsepto na maaaring Malaki ang maitutulong upang mapahusay ang circular Economy sa maraming paraan, marahil ay una munang makamit ang isang kapaki-pakinabang na kahulugan ng konsepto at ang pagpapabuti sa mga metrika nito. Gayundin mahalagang maunawaan na ang isang perpektong solusyon ay hindi possible at ang circular economy ay may mga limitasyon. Ang ilan sa mga ito ay hindi mapapahusay ng gaano, at kailangan nating tanggapin ito. Samantala, hangga’t hindi pa banap na napapahusay ang konsepto ng circular economy ay mabuting tuloy-tuloy nating ugaliin ang maayos na pamamahala sa ating basura at panatilihin ang pagkakaroon ng displina residente ka man o bisita.

Amianan Balita Ngayon