City Gov’t magsasagawa ng environment summit para pigilan ang “Urban Decaying”

Metro BLISTT

LUNGSOD NG BAGUIO — Bilang pagpapahalaga sa kapaligiran o kalikasan ay magsasagawa ang local na gobyerno ng Lunsod ng Baguio ng ilang serye ng environmental summit na kung saan ay iniimbitaha ang lahat ng sector na may pagpapahalaga sa kalikasan upang ito ay mapangalagaan.

Gaganapin ang unang summit sa darating na Hulyo 8, 2022 mula 1:00 ng hapon hanggang 5.pm sa Baguio Convention Center na pangungunahan ng City Planning and Development Coordinator OCPDC) at ng City Environment and Parks Management Office (CEPMO)
at inaasahang dadaluhan ng mga partipants na hanggang 500 na katao.

Bukas ang nasabing aktibidad sa lahat na nais makipag participate sa nasabing environment summit at maari ding dumalo sa convention center o via zoom at live streaming sa pamamagitan ng tanggapan ng Public Information Office Facebook page na kung saan ay maaring ipadala nila ang kanilang reaction of mensahe sa nasabing environment summit.

Ayon sa tanggapan ng OCPDC ang mga susunod na summit ay kanilang ipapaalam sa publiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng information o announcement sa PIO facebook page.

Matatandaan na noong Mayor 17, 2022 ay ipinahayag ni Mayor Benjamin Magalong na kailangan na maisagawa ang environment summit upang makalikom ng mga suhestiyon mula sa mga stakeholders at sa publiko kung paano aalagaan ang kapaligiran ng Baguio upang maiwasan ang pagkasira ng lunsod o ang tinatawag na “urban decay”.

Nanawagan din si Magalong na makipagparticipate ang taga Baguio upang marinig ang boses at mga suhestiyon ng mga mamamayan o mga sector ng lipunan. Aniya kailangan na pangalagaan ang kapaligiran ng lunsod upang may matitirahan pang maayos at masiglang lugar ang mga darating pang henerasyon.

Ani Magalong “ A 2019 study of the National Economic and Development Authority (NEDA) found the city had already breached its carrying
capacity or “the number of people, other living organisms, or crops that a region can support without environmental degradation.”

Aileen P. Refuerzo/ABN