CITY MARKET VENDOR UMAPELA KAY MAYOR MAGALONG NA PAKINGGAN ANG KANILANG MGA SUHESTIYON SA PAGGAWA NG BAGONG BAGUIO CITY MARKET

BAGUIO CITY

Umapela ang mga opisyal ng Baguio Market Vendors Association at ang iba pa nilang ka-alyansa na mga vendor kay City Mayor Benjamin Magalong na pakinggan ang kanilang mga suhestiyon sa pagggawa ng bagong mukhan ng pamilihang Syudad ng Baguio na isama sila sa usaping “redebelopment” ng city market na hindi maisasaalang –alang ang mga kabuhayan ng mga vendor na may bilang na 4,000 na sa ngayon.

Sa ginanap na maikling press briefing sa tanggapan mismo ng BAMARVA na dinaluhan nina Zosimo Abratique , Presidente ng BAMARVA, Doktor Leonardo Ritos ng BCMMPC, Manuela Cruz ng BAMAPCOM, Josephine Mayaco ng BAVESCO , Rosemarie Chanfing BAVESCO, at Dennis
Benitez ng CECC.

Ayon kay Abratique hindi naman sila tumututol sa “redevelopment” ng City Market dahil aniya ito ay para din naman sa kapakanan ng mga Baguio Vendor subalit ang tintutulan nila aniya ay yung hindi sila pakikingan ng local na pamahalaan sa kanilang suhestiyon na bigyan sila ng pagkakataon na sila na mga asosasyon ng Baguio vendor ang magsagawa ng “redevelopment” ng palengke na angkop sa kagustuhan ng mga taga Baguio ay hindi sa isang kagustuhan ng “multimillion developer”.

Ipinaliwanag pa niya na kung susumahin ay may pondo rin naman sila para gamitin sa paggawa ng market aniya aabot sa mahgit o nasa P2 bilyon ang maari nilang gamitin at maaring magawa ito sa loob ng dalawang hanggang tatlong taon dahil ang gagawin nila umano ay “phase by phase” ang
paggawa ng palengke. Aniya noong 2019 ay ang kanilang asosasyon ay nakipag collaborate sa lunsod sa planong paggawa ng master development plan ng city market subalit sa kalaunan ay
kinalimutan ito ng lokal na pamahalaan dahil may pinaboran sila base sa “unsolicited proposal” mula sa ibang developer.

Nanawagan naman si Manuela Cruz ng BAMAPCOM na pakingan nawa sila ni Mayor Magalong sa kanilang panawagan na bigyan sila ng pagkakataon sa redevelopmnent ng palengke dahil aniya dapat ang makinabang sa gagawing ito ay dapat mga taga Baguio huwag yung hindi taga Baguio .

Nauna rito ay may balita na ang hatiian sa nasabing agreement ng syudad at ng SM ay 70 -30 percent na ang ibig sabihin 70 na porsiyento ay mapupunta sa pamamahala ng City at ang 30 na porsiyento para sa SM management “ Imposible yung legacy na sinasabi umao ng SM dahil
malaki ang investment nila imposible aniya na hindi nila ito babawiin ito sa pagtatayo ng mall at imposible na hindi taas ang renta ng mga stalls kahit na ipagpalagay natin na city government ang mamamahala nito”, ani Abratique. Nang tanungin kung nakahanda sila sa maaring swiss challenge ay agad tumugon si Abratique na nakahanda umano sila sa gagwing swiss challenge.

TFP/ABN

Amianan Balita Ngayon