BAGUIO CITY
Hinihikayat ng Ajuwan Community Center ang publiko na huwag mahiyang sumailalim sa HIV (human immunodeficiency virus) screening na libre,ligtas at confidential na pagproproseso. Ipinahayag ito ni Project Support Officer, Claudine B.Paulino, ng Ajuwan Community Center, sa kanilag outreach program na isinasagawa tuwing Miyerkules sa Baguio City Public Market. Ang HIV ay isang virus na umaatake sa immune system ng katawan.
Sa panayam noong Pebrero 8, sinabi ni Paulino na hindi dapat mahiya, dahil wala namang ikasasama ang HIV screening at kung sakali man ay mayroon silang centers na kung saan kumpidensyal ang kanilang pagpoproseso. Isinasagawa ang outside screening dahil hindi lahat ng
residente ng lungsod ay may kamalayan sa libreng HIV screening. Ayon kay Paulino, layunin ng Ajuwan Community Center na matulungang ang bawat isa na magkaroon ng kamalayan sa HIV at kung mag-positibo man ay agad maisailam sa treatment, para malaman kung ikaw ba ay hindi nakakahawa or “undetectable” o natutulog ang virus sa iyong katawan.
Isa sa hinihikayat ng Ajuwan Community Center na ma-isailalim sa HIV screening ay ang mga nanay o ang mga nagbubuntis, dahil kapag sila ay nag-positibo o nagreaktibo sa kanilang HIV screening, maaaring mahawaan ng virus ang kanilang mga anak. Ang booth ng Ajuwan Community Center ay naka pwesto sa black market tuwing miyerkules, at sila din ay nagsasagawa ng outreach sa kahit ano mang establishments kasama na ang mga bar, salon at spa.
Tumatanggap din sila ng imbitasyon sa mga school organizations para sa Adolescent Sexual and
Reproductive Health para sa HIV screening. Maaari niyo silang puntahan sa 3rd Floor, Damoco
Building A, T. Alonzo corner Bonifacio, Baguio City at bisitahin sa kanilang facebook page, ang Ajuwan Community Center by FPOP BaguioBenguet, upang malaman ang kanilang mga contact number kapag kinakailangan. Hindi dapat maging diskriminasyon sa isang tao ang pag-undergo ng HIV treatment, dahil ito ang nagpapaalam sa ngayon na kahit sino ay maaaring mahawaan ng HIV virus.
John Julius Avila/UB Intern/ABN
February 11, 2023
February 11, 2023
March 24, 2023
March 24, 2023
March 24, 2023
March 24, 2023
March 24, 2023