COMMITTEE ON ‘KONTRA BIGAY’ NG COMELEC LALABANAN ANG VOTE BUYING, SELLING

SAN FERNANDO, La Union

Inilunsad ng Commission on Elections (COMELEC) La Union ang Committee on Kontra Bigay
(Committee Against Giving) noong Setyembre 19 upang paigtingin ang laban kontra vote buying at pagbebenta ng boto kaugnay ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Sa COMELEC No. 10946, ang trabaho ng committee ay kabilang ang pagtanggap ng mga reklamo o ulat ng vote buying, pagkalap ng mga ebidensiya, paghahanda ng mga affidavit ng mga saksi, at
sa huli ay magpila ng mga kaso sa korte.

Kasabay nito ang pagtatatag ng “Kontra-Bigay Complaint Center” na tatanggap ng mga ulat sa mga
insidnete ng vote buying at pagbebenta ng boto. Sinabi ni Atty. Reddy Balarbar, COMELEC Ilocos
assistant regional director at acting election officer ng San Fernando City, na layon ng komisyon na alisin ang pagbili at pabebenta ng boto dahil ikinokonsidera iton isang sakit sa lipunan. “Kasi nga itong ating problema on vote buying and vote selling ay isa itong tinuturing na cancer sa ating
demokrasya,” ani Balarbar.

Idinagdag niya na ang itinalaga ng komisyon na Committee on Kontra Bigay ay seryoso sa paglaban sa iligal na aktibidad sa pamamagitan ng isang whole-of-nation approach sa pakikipagtulungan ng ilang mga ahensiya ng gobyerno gaya ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Justice (DOJ), at ng Anti-Money Laundering Council, at iba pa.
Ang mga gawang iligal ay kasama ang pagkakaroon ng pera, cards, o campaign paraphernalia na may halaga, pagkakaroon o tpagbiyahe ng per ana lalagpas sa PhP500,000 limang araw bago ang takdang araw ng halala, at iba pa.

Ang mga lalabag, sa oras na mapatunayang nagkasala, ay masesensiyahan ng isangtaon na pagkabilanggo o isang maximum period ng anim na taon. Ayon sa COMELEC, maaaring ireport ng isang tao ang mga insidente sa pamamagitan ng exclusive communication channels, email, and social media like Facebook, Instagram, TikTok, at Twitter. Ang Kontra Bigay Complaint Center ay bukas mula 8 a.m. hanggang 5 p.m. hanggang Oktubre 28, subalit magiging operational 24 oras
bawat araw mula Oktubre 29 hanggang 31. “Seryoso po ang Commission on Elections (COMELEC), ang mahuli at makasuhan dito ay may karampatang parusa at diskwalipikasyon at pwede rin silang makasuhan ng election offense,” sabi ni Balarbar.

(KJCR-PIA La Union/PMCJr.- ABN)

Amianan Balita Ngayon