Community based monitoring, ipinatupad ng San Fernando City

Apr 22, 2017

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, LA UNION – Upang mas mapalalim pa ang pag-unawa sa mga pangangailangan ng mga residente ay pinangunahan ni Mayor Hermenegildo “Dong” Gualberto ang pagpapatupad sa Community Based Monitoring System (CBMS) noong 17 Abril 2017.
Ang CBMS ay ginagamit sa pagkolekta ng socio-economic profile ng mga sambahayan sa antas ng barangay.
Layunin nitong tulungan ang local government units na magplano at magpatupad ng mga programa na tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
Dinisenyo rin ito upang masiguro ang transparency, accountability at pag-iingat sa paggamit ng government resources.
Ito ay binuo ng Policy for Economic Policy-Community Based Monitoring System (PEP-CBMS) na nakabase sa De La Salle University-Angelo King Institute at ngayon ay ginagamit na sa mga programang pangontra sa kahirapan sa mahigit 15 bansa sa Africa, Asia at Latin America.
Ang first phase ng CBMS ay data gathering survey na ipapatupad mula 17 ng Abril hanggang 31 ng Mayo 2017. Ang field enumerators ay maglilibot sa mga kabahayan at barangay upang mangalap ng impormasyon sa kalusugan, pinagkakakitaan at kita, edukasyon at access sa mga pangunahing serbisyo at pasilidad.
Ang mga makakalap na impormasyon ay gagamitin para sa program planning and implementation ng City Government.
Noong 20 ng Abril 2017, sumama si Gualberto sa field enumerators habang isinasagawa ang CBMS. Kinapanayam nito si Nanay Imelda C. Diaz, isang 65-anyos na residente ng Barangay Catbangen na nakatira na sa San Fernando mula noong siya ay 8anyos.
“Isang interview pa lang marami na akong natututunan tungkol sa mga kababayan natin. Just imagine how much we can learn when we talk to every citizen in the city,” saad ng mayor matapos ang panayam.
Idinagdag nito na ang implementasyon ng Community-Based Monitoring System ay isang hakbang na mas malapit sa pagtupad sa nais ng lungsod na maging People’s City. “Gusto nating mas maintindihan kung ano ang pinagdadaanan ng ating mga kababayan sa kanilang araw-araw na buhay. With this system, we can now effectively design evidence-based programs and projects that will help us build a city where citizens are empowered because their basic needs are addressed.” IDS/CMB / ABN

RELATED POSTS

BIKE FOR CLEAN AIR 2022

BIKE FOR CLEAN AIR 2022

The La Trinidad Municipal in partnership with DENR-Environmental Management Bureau-CAR in observance of the Clean Air Month, the said...

IBENGUETS’ AWARDEES

IBENGUETS’ AWARDEES

A total of 32 individuals were recognized during the Benguet Awards 2022 graced by Senior Associate Justice Marvic Mario Victor F. Leonen...

AMIANAN POLICE PATROL

Suspek sa robbery sa Cagayan, arestado sa Kalinga TABUK CITY, Kalinga - Arestado sa manhunt operation ng pulisya sa Bulanao Norte, Tabuk...

LATEST NEWS

BAGUIO TOURIST ARRIVAL UMABOT SA 1.2 MILLION NGAYONG TAON

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinatayang umabot na sa 1.2 milyong o’ 150,000 kada-buwan ang bilang ng mga turista na dumadagsa sa Summer Capital mula noong Marso hanggang buwan ng Nobyembre ngayon taon. Iniulat ni Supervising City Tourism Officer Engr Aloysius Mapalo, na ang...

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two year’s due to the COVID-19 Disease. Mayor Benjamin B. Magalong led the Switching of the Christmas Tree with Congressman Mark Go,...

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

Philippine Airline company gears up to reopen its regular flight from Baguio City to Cebu on December 16, 2022 . Starting with Four Flight per Week, the pioneer PAL service links the City of Pines with the commercial heart of Visayas Region for the first time. In...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa manhunt operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency na pinaniniwalaang nagtatago sa iba’t ibang barangay sa lungsod...

BAGUIO OPENS YULITIDE WITH MAMMOTH CROWDS

BAGUIO CITY - Crowds gathered in a post pandemic show of lights and sound which officially opened the Yuletide in the City of Pines. Hundreds lined the city’s main thoroughfares Thursday evening to witness the symbolic lighting of the city Christmas tree which kicked...

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest