Community Quarantine ipapatupad sa Kalinga

KALINGA – Aprubado na ng Provincial Inter-Agency Task Force (PIATF) ang 14-day Enhanced Community Quarantine (ECQ) para sa Tabuk City na magsisimula sa Lunes, Enero 25. Ayon kay Provincial Legal Officer Atty. Ken Martinez, inaprubahan ng PIATF sa pamumuno ni Governor Ferdinand Tubban ang kahilingan ng CIATF sa pamumuno ni Mayor Darwin Estrañero na isailalim sa ECQ ang siyudad, kaugnay sa patuloy na paglobo ng coronavirus disease (COVID-19) cases.
Inindorso na sa Regional IATF ang kahilingan para sa kanilang approval,kung may mga revisions pa ito. Nagpalabas din ng public advisory si Gov. Tubban para sa kalaaman ng constituents na ang lalawigan ay magsasagawa din ng 14-day community quarantine classifications sa siyudad at 7 municipalidad simula sa Enero 25.
Ang Imposition of Community Quarantine ay kinabibilangan ng ECQ sa Tabuk City; Modified Enhance Community Quarantine (MECQ) sa mga bayan ng Rizal,Lubuagan,Tanudad at Balbalan.
General Community Quarantine (GCQ) naman sa bayan ng Pasil at Tinglayan, at Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa bayan ng Pinukpuk.
Ayon kay Estrañero, ang pagpapatupad ng citywide quarantine ang nakikita nilang solusyon na mapigil ang pagkalat ng virus sa siyudad, na sinang-ayunan ng bawat miyembre ng CIATF. Ang agarang pagpapatupad ng community lockdown ay inirekomenta ng City Health Office para maisagawa ang contact tracing sa mga sub- contacts ng mga of COVID-19) positive patients. “Isolation rooms in both government and private hospitals, including the Temporary Treatment and Monitoring Facility are all overwhelmed,” ayon kay City Health Officer Dr. Henrietta Bagayao.
Nanawagan din si Estrañero sa kanyang mga “kakailyans” na maging mahinahon, maging maingat, sumunod sa health protocols at tumulong para maibsan ang pagkalat ng virus. Aniya, nakahanda na ang mga border checkpoints sa lungsod at ang ga barangay officials ay iisyuhan ng quarantine passes, para kilalanin ang bawat household na puwedeng makalabas para makabili ng pagkain at iba pang pangangailangan. Ang mga residente sa mga karatig-bayan ay puwedeng makapasok sa siyudad, pero kailangang may ipakitang travel pass mula sa kanilang alkalde.
Base sa report ng Department of Health-Cordillera, ang Kalinga at Mountain Province ay kasalukuyang under Critical Risk Epidemic Level; samantalang ang Apayao, Benguet, Baguio City, at Ifugao ay nasa High Risk; at Abra naman ay Moderate Risk. Ayon pa rin sa ulat, ang bayan ng Balbalan, Lubuagan, Pasil, Rizal, Tanudan, at Tabuk City, Kalinga ay kabilang sa 16 LGU’s sa rehiyon na classified as critical epidemic areas ng COVID-19.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon