CONDOM, IPINAMAHAGI BAGO ANG ARAW NG MGA PUSO

BAGUIO CITY

Bago ang Araw ng mga Puso, ay ipinagdiwang ang International Condom Day noong Pebrero12 sa Malcolm Square, Baguio City. Ang International Condom Day ay funded ng Aids Healthcare Foundation, na isinasagawa ng Family Planning Organization of the Philippines (FPOP) Baguio-Benguet, kasama dito ang Ajuwan Community Center.

Ayon kay Project Support Officer, Claudine Paulino, ng Ajuwan Community Center, iniimbita nila ang lahat upang makilahok sa kanilang adbokasiya dahil sila ay  nagbibigay ng libreng condoms, lubricants, at libreng HIV screening. Ito ay kadalasang ipinagdiriwang bago ang kaarawan ng mga puso sa Pebrero 14, upang ipaalala sa lahat ang importansya ng paggamit ng condom bilang isang kasangkasapan sa safe sex.

Isinasagawa ang adbokasiyang ito dahil tumataas na ang kaso ng unwanted teenage pregnancy
at ang kaso ng sexually transimitted infections na nasa humigit isang milyong mga impeksyong naililipat sa pakikipagtalik ang nakukuha araw-araw sa buong mundo at dahil ang mundo rin ay nagkulang sa mga layunin sa pag-iwas sa HIV noong taong 2021.

Ang pagbili at paggamit ng condom ay hindi dapat ikahiya at nararapat alamin kung paano magsanay ng ligtas na pakikipagtalik at maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis. Ito ay karapat dapat din na maging karunungan sa lahat ng mga teenagers, lalo na’t marami na ang kaso ng unwanted teenage pregnancy at unsafe abortion sa mundo.

John Julius Avila/UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon