LA TRINIDAD
Magbubuo ng sariling professional basketball team ang probinsya ng Benguet na sasali sa Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL. Ayon kay Benguet Cong. Eric Go Yap, nakikipag-ugnayan na siya sa mga organizers at officials ng MPBL para mapaghandaan na niya ang mga
requirements para makasali ang probinsya sa isa sa mga pinakamalaking liga sa bansa.
Dagdag pa ng Benguet solon, ang pagsali ng Benguet sa MPBL ay upang ipakita sa buong Pilipinas na kayang makipagsabayan ang mga local basketball talents ng probinsya. Ang mga players na bubuo sa Benguet Basketball Team ay mula sa mga ibat-ibang koponan na kasalukuyang naghaharap harap sa 1st Season ng Cong. Eric Go Yap Congressional Basketball Cup.
Dagdag pa ng mambabatas na pipiliin ang mga players na magiging parte ng Benguet Basketball team ayon sa kanilang performance sa nasabing liga. Umaasa pa si Yap na mabubuo ang koponan ng Benguet bago pa magsimula ang 2nd season ng Congressional Cup. Magsisilbing home court
ng Benguet team ang Wangal Sports Gymnasium na pinaayos at pinaganda ni Cong. Yap na naayon sa FIBA standards.
Bombo Radyo-Baguio
September 23, 2023
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024