Construction worker, patay matapos makuryente

Agad namatay nang nakuryente ang isang trabahador sa ginagawang Campus Library Building ng Ifugao State University sa Bahawit, Poblacion West, Lagawe, Ifugao.
Personal na inireport nina Mario Dariano Cargo, 43 anyos, may-asawa, foreman employee ni Engr. Clarence Buhong Construction, at residente ng Parista, Lupao, Nueva Ecija; at Engr. Michael Binwag Binuhi, 24 anyos, single, Project Site Engineer at residente ng Bolog, Kiangan, Ifugao sa Lagawe MPS bandang 4pm ng November 15, 2017 ang insidente ng pagkakuryente bandang 3:10pm ng parehong araw ng isa sa kanilang construction worker na kinilalang si Marvin Hilit Guieb, 44 anyos, may-asawa at residente ng Lantap, Bagabag, Nueva Vizcaya.
Sa inisyal na imbestigasyon, habang nagtatrabaho ang biktima sa ikalawang palapag ng nasabing gusali, ang hinahawakan nitong corrugated steel bar ay aksidenteng naitama sa isang live wire na konektado sa Ifugao Electric Cooperative (IFELCO) at nakuryente.
Dinala ang biktima ng kaniyang mga kasamahan sa IGH Clinic, Natuwolan, Cudog, Lagawe, Ifugao para sa agarang lunas ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician. Ang labi ng biktima ay dinala sa kaniyang tahanan sa Lantap, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Amianan Balita Ngayon