LUNGSOD NG LAOAG, Ilocos Norte
Ang National Irrigation Authority (NIA) ay namamahagi ng hybrid seeds sa ilalim ng isang contract farming scheme upang tulungan ang mga magsasaka dito na bawasan ang mga kagamitang agricultural habang naghahanda sila sa ikatlong panahon ng pagtatanim sa gitna ng El Niño phenomenon. Sa bayan ng Dingras, kamakailan ay tumanggap ang mga miyembro ng San Marcelino Irrigators Association ng kabuuang 935 bag ng hybrid seeds bilang bahagi ng interbensiyon ng gobyerno na tulungan ang mga magsasaka na palakihin ang kita habang sinisiguro ang kasapatan ng pagkain at seguridad.
“Masuwerte kami na mayroon kaming tuloy-tuloy na water delivery mula sa National Irrigation Administration kahit
na may matagal na tagtuyot,” ani Rogelio Ceredon, isang magsasaka ng palay at benepisyaryo. Nasa 901 ektarya ng
irrigated rice land na sakop ang Bonga Pump 1, 2, at 3 Irrigators Associations at ang Madongan River Irrigation System Irrigators Associations ay nakuhang pumasok sa isang contract farming scheme sa ilalim ng rice farming support program ng NIA, na ipinapatupad sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture (DA), Philippine Rice Research Institute (PhilRice), local government units (LGUs), at mga irrigation associations.
Binibigyan ng programa ang mga magsasaka ng mga modernong teknolohiya sa irigasyon upang palakasin ang mga aning pananim at itaas ang pangkalahatang produksiyon ng pagtatanim ng palay. Sinabi ni NIA 1 (Ilocos Region) manager Danilo V. Gomez na ang pamamahagi ng nasabing farm inputs gaya ng hybrid seeds, mga abono, at mga kagamitan sa pagsasaka ay nagpapatuloy. Upang pataasin ang kita, sinabi ni NIA Administrator Eduardo Guillen na kailangan ng mga magsasaka na kunin ang kabuuang value chain ng produksiyon ng palay hindi lamang bilang mga produsyer ng sakahan kundi bilang mga negosyante. Sa ilalim ng contract farming program, sinabi ni Guillen na maaaring masiguro ang kita kahit na ang bigas ay nabibili sa farmgate price na kahit PhP20 dahil ang gastos sa produksiyon ay nasa pagitan lamang ng PhP13.90 hanggang PhP14.20 bawat kilo.
(LA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)
May 17, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024