CAMP DANGWA, Benguet
Nakasamsam ang Police Regional Office- Cordillera ng kabuuang P17,749,816.00 halaga ng iligal na droga at naka-aresto ng apat na drug pusher sa isang linggong operasyon na isinagawa sa Benguet, Kalinga, at Baguio City mula Mayo 20-26. Sinabi ni Brig.Gen.David Peredo,Jr.,regional director na ang apat na naarestong suspek, dalawa ang kinilala bilang High Value Individuals, at ang dalawa pa ay kinilalang Street Level Individuals, na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sinabi ni Peredo, naaresto ng Kalinga Police Provincial Office ang dalawa sa mga drug personality, habang tig-iisang
arestuhin ang Baguio City Police Office at Benguet PPO. Mula sa mga nahuling suspek, nakumpiska ng mga operatiba ang kabuuang 8.82 gramo ng shabu at 7 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may mga bungang tuktok na may kabuuang Standard Drug Price na P60,816.00.
Sa parehong linggo, 12 operasyon sa pagpuksa ng marijuana ang isinagawa sa mga lalawigan ng Benguet at Kalinga na nagresulta sa pagkadiskubre ng 26,945 piraso ng fully grown na halaman ng marijuana, 1,500 piraso ng marijuana seedlings, at 102,000 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may mga namumungang tuktok, na may kabuuang SDP na P17,689,000.00. Ang mga pulis ng PRO Cordillera ay patuloy na nagsasagawa ng mga pagbisita sa komunidad at mga kampanyang pang-impormasyon upang palakasin ang mga hakbangin laban sa ilegal na droga ng PNP.
Zaldy Comanda/ABN
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024