CORDILLERA NAKAPAGTALA NG 73 KASO NG LEPTOSPIROSIS, 5 ANG NAMATAY

BAGUIO CITY

Iniulat ng Department of Health-Cordillera ang 73 kaso ng ng leptospirosis na ikimatay ng limang katao sa rehiyon mula Enero 1 hanggang Agosto 10. Ayon kay DOH-Regional Information Officer Geeny Anne Austria, naitala sa
lalawigan ng Apayao ang may pinakamataas na 27 kaso, sinundan ng Benguet na 14; Baguio City na may 12; Kalinga
na may siyam, Ifugao na may lima, Mountain Province na may apat habang ang Abra ay may dalawang kaso.

Pinaalalahanan ng departamento ang publiko na iwasan ang pagtawid sa tubig baha dahil sa pagtaas ng kaso ng leptospirosis kasunod ng pananalasa ng Bagyong Carina gayundin ang araw-araw na pag-ulan sa rehiyon dahil sa La
Niña. Sa limang nasawi ngayong taon, dalawa ay mula sa Apayao at tig-isa mula sa Baguio City, Benguet at Ifugao ayon sa pagkakasunod.Sinabi ni Austria na kahit na mas mababa ang mga kaso ngayong taon kumpara sa 12 kaso at 10 pagkamatay na sumasaklaw sa parehong panahon noong nakaraang taon, mataas ang banta ng pagkakaron ng bacteria sa pagsisimula ng tag-ulan.

“We advise the public to seek immediate consultation once they are exposed to flood waters para mabigyan sila ng
post-exposure prophylaxis at maiwasan ang pag-advance ng bacteria,” ani Austria. Ipinaliwanag niya na ang
leptospirosis bacteria ay maaaring makuha hindi lamang mula sa infected na ihi ng mga daga kundi maging sa anumang infected na hayop na may apat na paa. Kabilang sa mga senyales at sintomas ng leptospirosis ang mataas na lagnat, matinding pananakit ng ulo, hindi partikular na sintomas ng pananakit ng kalamnan, pananakit ng kalamnan ng guya at mapupulang mata sa ilang mga kaso.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon