Country singer ng Baguio, arestado sa pagbebenta ng shabu

Tapos na ang palabas para sa isang country singer sa Baguio, matapos itong mahuli ng anti-narcotics agents mula sa Philippine Drug Enforcement Agency Ifugao-Mt. Province unit at lokal na pulis, na nagbebenta ng shabu madaling araw ng Hunyo 7 sa kahabaan ng Lower Magsaysay, Baguio City.
Arestado si Larry Nepalis Nazarro, 53, diumano’y miyembro ng isang local drug group na nag-ooperate sa Baguio at Benguet at naninirahan sa Bayan Park, Aurora Hill, matapos na nagbenta ito ng heat-sealed sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P20,000 sa isang undercover agent.
Si Nazarro, na matagal nang minamanmanan ng anti-narcotics agents dahil sa pagsu-suplay ng ipinagbabawal na gamot sa iba pang entertainers sa lungsod, ay nahaharap sa paglabag ng Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) ng Republic Act Number 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. A.ALEGRE

Amianan Balita Ngayon