COVID-19 daan upang manumbalik sa DIYOS at pag tulong sa kapwa

Tapik ni Tonying

Muli ang inyong lingkod ay bumabati ng Magandang Araw sa aking mga kababayan sa buong Northern Luzon at kahit na po may COVID-19 sa ating lugar ay patuloy po kaming nagbibigay at nagpa publish ng mga updates sa nangyayari sa ating lugar sa ganang amin po ay mababasa po ninyo ang kopya ng Amianan Balita Ngayon sa aming online news digital copy po namin via www.amiananbalitangayon.com.

Sa pagdiriwang nga Mahal na Araw/Holy Week na kung saan ay ginugunita natin ang sakripisyo ng Poong Hesus na kung saan ay inialay niya ang kanyang sarili upang tubusin ang mga kasalanan ng buong sanlibutan sa kasalanan ng tao.

Kung tutuusin ito ang panahon na tayo ay nangingilin umiiwas sa mga makamundong gawain at tanging pag-aalay ng dasal sa Panginoong Hesus. Noong araw ay may mga pasyon sa bawat probinsya ta maging sa lunsod ng Baguio ay may gumagawa ng pasyon sa harap ng lugawan ni Ricky Fontanilla na pinangungunahan ng kanyang ina.

Ang pasyon ay isang gawain ng mga Katoliko na kung saan ay ginugunita sa mga dasal ang pagpapakasakit ng Poong Hesus. E ngayon naku puro busy sa cellphone sa pagtitiktok at selfie hindi magawang magalay ng dasal kahit isang oras o kalahating oras man lang na
magbigay ng pagpapasalamat at pagbibigay puri sa mga biyaya ng Panginoong Hesus.

Marahil ay ito na nga ang naging bunga ng pagbabalewala natin sa pagmamahal ni Hesus sa atin ang magbigay ng isang leksyon sa pamamagitan ng nakakamatay na Corona Virus -19 hindi lang sa ating bansa kundi maging sa kabilang ibayo.

Harinawa sa dami na ng mga tumatawag sa Dakilang Diyos Ama sa langit tayo ay kanyang pakinggan at patawarin na at lubusang palisin at gamnutin ng kanyang makapangyarihang kamay ang lahat ng may sakit ng COVID19 sa buong mundo.

Ok ngarod sabi sa akin ng isang kaibigan na kung saan ay halos 13 araw na walang naitalang nagpositibo sa sakit na CORONA Virus at umabot na rin sa 9 ang gumaling sa nasabing sakit. Gaya ng panawagan ni Mayor Benjie Magalong na stay at home at huwag maging kampante sa ulat na wala ng kinakapitan ang nasabing sakit nakita ko musmo na sa mga nakaraang linggo sa pamilihang syudad ng Baguio nakupow lakay Pekto halos nawala ang social distancing aba e kulang na lang na mag holding hands ang mga tao sa palengke.

At ang malungkot nito Lakay Pekto e nagkaroon ng isang nagpositibo noong Abril 9 at naiulat lamang nitong Sabado Gloria na may isang 46 anyos na streetsweeper ang kinapitan ng CORONA Virus na taga Barangay Dagsian.

At dahil dito ay nag-utos si Mr. Magalong na i lockdown ang apat na barangay na Upper and Lower Dagsian, Scouut Barrio at Hillside upang madaling ma hanapan pa ang ilang nakasalamuha ng nasabing babae.

Sabi nga nung isang kaibigan ko kawawa naman yung ale kasi laging nasa kalye kaya ayun natamaan ng sakit.

Samantala nagkaroon ng pagpupulong ang mga barangay officials at ni Mayor Magalong upang ayusin ang pamamahagi ng SAP o Social Amelioration Program sa mga beneficiaries sa mga barangay at kung sino ba ang dapat bigyan at hindi dapat bigyan na mga pamilya.

Ito ngayon kasi ang pinagaawayan ng mga tao sa ngayon kung sino ba ang dapat at hindi dapat bigyan. Sa isang banda naging isyu rin ang mga 4Ps ang tinatawag na poorest of the poor Juice ko day e lahat naman dapat bigyan dahil lahat apektado ng Corona Veerus ika nga ni Pangulong Duterte.

Pabor din ako na masusing pag-aralan ang 4Ps dahil marami na ang nagiging tamad na beneficiaries nito, ang mainam dyan ay after five years evaluate ang mga taong 4Ps dahil hindi naman dapat dole out lang dapat pag-aralan ito ng gobyerno na ang mga 4Ps kung kaya magbanat ng trabaho ay mag-aral sila sa TESDA at pakinabang ang matutunan nila.