CREATIVE CITY SUPORTADO NG FILIPINOCHINESE COMMUNITY SA BAGUIO

Photo Caption: Pinangunahan nina Consul Sun Weidong, head of post, Consulate of the People’s Republic of China in Laoag City (8th from left) at Mayor Benjamin Magalong, kasama ang iba pang opisyal ng lungsod at FilipinoChinese Community, ang ribbon cutting bilang hudyat sa pagdiriwang ng ika-22 Filipino-Chinese Friendship Day na ginanap sa Baguio Fil-Chi Friendship Park sa Botanical Garden,Baguio City,noong Hunyo 10.

Photo by Zaldy Comanda/ABN


 

BAGUIO CITY

Mas lalo pang pinagtibay ng city government at ng Filipino-Chinese community ang relasyon para pasiglahin pa ang turismo at ekonomiya sa lungsod mula sa kanilang bagong kontribusyon na
Baguio Art-Bank project at training para sa mga upcoming talented artists. Pinangunahan nina Consul Sun Weidong, head of post, Consulate of the People’s Republic of China in Laoag City; Mayor Benjamin Magalong at iba pang city officials at filchinese community ang selebrasyon sa ika 22 taon ng Filipino-Chinese Friendship Day na ginanap sa Fil-Chinese garden,Botanical Park,Baguio City, noong Hunyo 10.

Kasabay din sa okasyon ang inagurasyon ng Baguio ArtBank exhibit and training center sa Athletic Bowl,Burnham Park. “Today, I explain the significant of this project. First, the project that we launching is a program ties of the Filipino and Chinese community and second,today will mark the
partnership between the city of Baguio and Chinese community in terms of making Baguio a truly
Creative City,” pahayag ni Councilor Leandro Yangot,Jr., artist-art workshop facilitator and project head of Athletic Bowl Art Bank.

Ayon kay Yangot, noong 2017, ang siyudad ng Baguio ay idineklara ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) bilang Creative City. “Today as agreed with
executive committee of the Baguio-Filipino Chinese Community, instead of the usual gift giving in selected barangays in Baguio this time around is a different one, because they decided to partner with city government in helping more creative people in Baguio,” pahayag pa ni Yangot. Aniya, ang kauna-unahang art-bank ay inilunsad nil ani Magalong noong April 25,2023, sa layuning palakasin at palaguin ang mga mahuhusay na artists na siyang tutulong sa siyudad na mapanatili ang pagiging Creative City at maghimok sa mga taong mahilig sa art na makilahok sa kanilang libreng training.

Labis naman ang pasalamat ni Magalong sa Chinese community sa kanilang patuloy na pagsuporta sa city government sa pagpapalago ng ekonomiya at sa pagsusulong ng turismo sa kanilang mga
suporta sa mga programa at proyekto sa lungsod. Aniya, ang selebrasyon ng 22nd Filipino-Chinese
Friendship Day ay lalo pang tumitibay ang relasyon,dahil sa pagkakaunawaan,pagtutulungan at pagkakaisa sa mga programa tungo sa maunlad na pamumuhay sa siyudad. “I would like inform each every one of you that we have two projects that are the proponent of which are big Chinese or Filipino companies.The first is our elevated monorail, the proponent is build your dream, one of the biggest railmaker in the World. It is a 4.4 kilometer monorail in the entire city of Baguio.”

“The second is our cable car is almost 11 kilometer and the alignment of that is start from BSU in nearby town of La Trinidad in Benguet going to La Trinidad market, going up to Quirino Hill down to our Slaughter house and up to Baguio market. So, yan ang malalaki nating project sa tulong ng mga Chinese companies na dalubhasa sa paggawa ng cable car,” pahayag ni Magalong. Ayon naman kay Weidong, ang relation sa pagitan ng Pilipinas at China ay mas lalo pang tumitibay dahil sa
pagkakaisa ng dalawang bansa na palakasin ang ekonomiya, na siyang isinusulong ngayon ng China para paunlarin ang Pilipinas.

“ Ang okasyong ito ay napakahalaga na dapat ingatan at lalo pang pagtibayin. Labis akong nagpapasalamat sa city government sa kanilang pagkilala sa mga FilipinoChinese community sa lungsod na patuloy ding sumusuporta sa mga programa at proyekto tungo sa maunlad na pamumuhay sa lungsod. Labis din ang pasalamat ni Peter Ng,chairperson,Baguio Filipino-Chinese Community, sa suporta na itinutulong ng city government sa pangunguna ni Magalong para sa kanilang komunidad.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon