Crime rate sa La Trinidad, bahagyang bumaba

LA TRINIDAD, BENGUET – Mas mababa ang crime rate sa bayan ng La Trinidad noong buwan ng Pebrero sa naitalang 113 mula sa 128 noong Enero.
Ito ay ayon sa ulat ng La Trinidad Municipal Police Station (LTMPS).
Tulad ng nakaraang buwan, malayo ang pagitan ng bilang ng index crimes sa non-index crimes sa 13-120.
Kabilang sa non-index crimes ay 101 vehicular traffic accidents, 13 violations of special laws kung saan kabilang ang Republic Act 9262 o Violence Against Women and Children at illegal logging, at anim na other non-index crimes na kinabibilangan ng estafa, malicious mischief, threats, at unjust vexation.
Ang mga naitala sa index crimes ay limang kaso ng theft, apat sa robbery, tatlo sa physical injury, at isang rape. Noreen D. Cruz, UB Intern / ABN

Amianan Balita Ngayon