TABUK CITY, Benguet
Sinimulan na ng Department of Agriculture-Cordillera ang pamimigay ay seeds na pananim sa mga magsasaka na apektado ng nagdaang bagyong “Egay” sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon,bilang
bahagi ng Corn, Rice and High Value Crop programs nito. Ang mga farmer sa Abra ay nakatanggap ng ng tatlong kilo bawat isa ng hybrid rice seeds, mula sa 580 sako, ang naihatid sa Abra noong Agosto 3. Ayon sa Department of Agriculture, sila ay nagreserba ng 3.266 na sako ng hybrid corn
para sa Abra, Apayao, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province, na agad na ipapamahagi sa oras
na muling maayos ang mga sakahan.
Sinabi ni Aida Pagtan ng Regional Agriculture and Fisheries Information Service (RAFIS) na mayroong inisyal na 3,266 sako ng buto ng mais na nakalaan para sa mga magsasaka sa Bucay at Pidigan, Abra; Calanasan, Flora, Kabugao, Luna, Pudtol, at Sta. Marcela sa Apayao; Aguinaldo, Lagawe at Mayoyao sa Ifugao; Tabuk City at Pinukpuk sa Kalinga; at Natonin sa Mountain Province. Aniya, ang mga seeds ay hindi pa naipamahagi sapagkat ang mga magsasaka ay walang
sakahan na pagtataniman dahil inanod ang mga ito ng baha, pagguho ng lupa, at tubig-ulan, kung kayat napakainam na ang mga taniman ay muli munang ayusin.
Kaniyang inilarawan na maituturing muling maayos ang mga farm lots kung mayroon na mga ito ng farm beds, barriers, at mga harang na bato. Ayon kay Pagtan, ang mga vegetable seeds ay buffer
stocks lamang. Hindi bababa sa 300 na pakete ng assorted vegetable seeds at lowland vegetable seeds ang nasa Agricultural Project Coordination Office sa Abra. Nauna nang sinabi ni Pagtan na ang DA central office ay nag-utos sa mga regional offices na mabilis na subaybayan ang pagtatasa ng pinsala sa agrikultura para makapagsimula na ang isang rehabilitation plan.
Ayon sa kaniya, batay sa pinakahuling datos, ang Cordillera ay nagtala ng pinsala na nagkakahalaga ng P1,125,748,219,na naka-epekto sa 43,906 na magsasaka at mangingisda sa rehiyon. Umabot sa P179 milyon ang pinsala sa mga palayan; P460.3 milyon sa mais; P453.4 milyon sa high-value crops; P21.8 milyon sa baka, at P11.1 milyon sa imprastraktura ng agrikultura. Hindi naman bababa sa 1,862,989 metriko tonelada ng mga produktong pangagrikultura ang sinira ng bagyo.
John Mark Malitao/UC-Intern/ABN
August 19, 2023
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025