Dahil kay Delta Variant, Extended ang GCQ sa Lungsod

Tapik ni Tonying

Olats (Talo) na naman ito ang bukang-bibig ng ilang residente ng Baguio na umaasam na hindi na magkaroon ng “extension” ang General Community Quarantine o GCQ at bahagyang lumuwag ang pagkilos ng ekonomiya at trabaho sa lunsod ng Baguio, subalit ang inaasam na ito ay naglahong parang bula dahil extended ang GCQ na mula Setyembre 15 ay hanggang Setyembre 26, 2021 na at gaya ng dati bawal lumabas ang 17 years old pababa at ang 65 years old pataas.

Ganun nga mga ka-Amianan hanggang 30 porsiyento pa rin ang galawan sa mga establisyemento, sa mga restaurant at maging ang mga indoor activities ay 30 porsiyento pa rin, ito raw ang paraan upang macontrol ang paglobo ng kaso ng Covid-19 sa Baguio na diumano ay dulot ng pagpasok ng Delta variant na Covid-19 virus.

Sa record ng City government ay hindi na bumaba sa 200 kaso araw-araw ang naitatala ngayong buwan ng Setyembre, ito ay dulot ng Delta
variant sa siyudad ng Baguio Idagdag pa riyan na mula Setyembre 1 hanggang Setyembre 7 ay may naitalang 100 na kaso kada-araw, pero mula Setyembre 8 hanggang 16 ay lumobo ito sa 200 kaso kada-araw ang naitatala.

Sa buwan lamang ng Setyembre ay naitala ang 3,234 kaso at 69 ang naireport na namatay. Sa kabuuan ang siyudad ay may 2,216 active,
17,707 recoveries at 412 deaths mula sa 20,735 confirmed cases sapul ng magsimula ang pandemya.

Sa kasalukuyan, ang siyudad ay may 20 kaso na ng Delta variant. Aniya, base sa kanilang contact tracing at link analysis ay lumilitaw na mahigit sa 700 ang posibleng carrier na din Delta variant, kaya posibeng tumaas pa ang kaso sa mga susunod na araw.

Kung titingnan natin ng maigi parang hindi nagiging epektibo ang isinasagawang massive vaccination ng lunsod dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19. Ayon sa nakuha nating report ay halos bakunado na ang mga residente ng Baguio ngunit ang tanong bakit patuloy ang surge ng virus na ito na dala ng Delta variant?

At sa aking pakiwari mas mainam pa ata na magdistribute ng vitamin C ang local na gobyerno ng Baguio upang palakasin ang immune system ng mga residente. Kumbaga ang bawat household ay bigyan ng tig-dadalawang boxes ng Vitamin C at patuloy ang paggamit ng face mask at alcohol o yung kalinisan sa katawan ay ugaliin.

At ito pa mga Ka-Amianan, base raw sa link analysis, tumaas ng 41 percent ang kaso sa lungsod nitong buwan mula sa edad na 17 pababa na ang nagiging biktima ng virus na ito. At lalabas na ang vaccine para sa mga bata o di ba ang gandang negosyo nito, inuna ang senior citizen, ang mga commor at ngayon ay mga 17 and below na ang target ng virus. Hindi ba kayo nagtataka mga kababayan?

Anyway, patuloy na lang tayong magdasal sa God the Father in Heaven na wakasan na ang virus na ito upang muling mamuhay ng normal ang mga tao sa mundo na walang face mask, walang face shield at mabuksan na muli ang hanapbuhay ng mga tao.

Ipagdasal din natin ang ating mga kababayan na patuloy na nakikipaglaban sa Covid-19 virus na sila ay “itouch” ng healing hands ng
Panginoong Hesus na sila ay gumaling na at makabalik sa kanilang mga pamilya.