Dahil nakatulog ang driver, motorsiklo nabangga ng FX

Nahagip ng isang Toyota Tamaraw FX na may plakang UJN 598 ang isang nakaparadang Suzuki Smash motorcycle na may plakang BF 75702 matapos na nakatulog ang driver ng FX habang nagmamneho sa Halsema Highway, Km46, Paoay, Atok, Benguet, 9:30 ng umaga ng Oktubre 10.
Ang FX ay minamaneho ni Elmer Gumpa-ek Tolingan, 47, may-asawa, magsasaka, at residente ng Bulalacao, Mankayan, Benguet habang ang motorsiklo ay nakarehistro sa ASA Philippines Foundation na minamaneho ni Alpha Grace Malutao Juan, 20, single, micro finance officer, at residente ng Basang Hamog, Nueva Ecija.
Nagtamo ng sira ang motorsiklo sa sit cover, foot rest at foot brake. Walang nasugatan sa nangyaring insidente at nagkasundo ang dalawa na mag-areglo kung saan si Tolingan ang gagastos sa lahat ng sira ng motorsiklo.

Amianan Balita Ngayon