Dahil nasunog ang klasrum, mga bata nagklase sa school grounds

MANAOAG, PANGASINAN – Pinagtitiyagaan ngayon ng mga mag-aaral ng grade four, five at six ng Pao Elementary School sa bayang ito na mag-klase sa makeshift classrooms matapos na nasunog ang kanilang classrooms noong unang araw ng pasukan, hapon ng Hunyo 4, na sumira sa school building na may anim na classrooms, kabilang ang guidance office.
Sa panayam noong Hunyo 5 kay Education Program Supervisor Maybelene Bautista, information officer ng Department of Education Pangasinan II Division, sinabi nito na ininspeksyun na ng mga staff mula sa regional office ang nasabing gusali.
Ani Bautista, magka-klase ang mga mag-aaral sa makeshift classrooms pansamantala.
“The school has a spacious ground where the pupils of Grades 4, 5 and 6 will temporarily hold their classes,” aniya.
Sa panayam kay Municipal Fire Marshal SFO4 Eric Ninalga, sinabi nito na ang sunog ay nagsimula bandang 5:45pm at idineklarang fire out matapos ang 25 minuto.
Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection, isang water dispenser na naiwang nakasaksak ang maaaring sanhi ng sunog, na agad kumalat sa kabilang kuwarto, at ang gusali ay gawa sa light materials.
“Although the fire was quickly extinguished, much of the classrooms was burned to the ground, almost everything was gone due to the majority of the building being made of wood and other light materials,” ani Ninalga.
Subalit kinumpirma ni Ninalga na ang mga classroom ay sinuring maigi ng bureau bago mag-umpisa ang klase.
“We inspected the rooms before the Barangay and SK (Sangguniang Kabataan) elections, and we inspected it again a day before the start of classes,” aniya.
Ang school library ay nakaligtas mula sa sunog, subalit ang nasirang guidance office ay naglalaman ng mga record ng mahigit 500 estudyante na naka-enroll sa nasabing paaralan. A.PASION, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon