Dalagang may diperensiya sa pag-iisip, ginahasa

Dumulog ang isang ama kasama ang kaniyang anak na may diperensiya sa pag-iisip sa Conner MPS upang ireklamo na ginahasa at inabuso ang kaniyang dalagang anak ng dalawang beses.
Ang biktima ay isang 16 anyos na dalaga, grade 8 at may delayed mental capacity at residente ng Sitio, Baricawen, Brgy. Ili, Conner, Apayao, samantalang kinilala ang suspek na si Alex Ongajan Daguio, 42, may asawa, magsasaka at residente ng parehong lugar.
Nangyari diumano ang unang panghahalay noong Hulyo 26, 2017 bandang 7pm sa Sitio Baricawen at ang pangalawang insidente ay nangyari noong Hulyo 29, 2017 bandang 9:20pm sa parehong lugar at ang act of lasciviousness (child abuse) ay nangyari noong Agosto 14, 2017 bandang 3:30pm.
Ayon sa imbestigasyon ay nangyari ang unang panghahalay nang sundan ng suspek ang biktima sa kanilang tirahan matapos dumalo sa isang thanksgiving party sa kanilang kapitbahay ng puwersahang halayin ng suspek ang biktima. Ang pangalawang insidente ay nang pauwi na ang biktima sa kanilang bahay ay hinila at dinala ng suspek ang biktima sa isang lugar at hinalay ito. Pinagbantaan diumano ng suspek ang biktima na papatayin siya kapag magsusumbong siya.
Ang acts of lasciviousness ay nangyari naman noong naiwan ang biktima at kaniyang dalawang taong gulang na kapatid na lalaki sa bahay at pumasok ang suspek at pinaghahawakan ang biktima sa maseselang parte ng katawan nito.
Nakita sa medico-legal ang laceration sa hymen at positibong buntis ito.
Inihahanda na ang mga dokumento para sa pagpila ng kaso laban sa suspek na tinutugis ngayon.

Police Patrol

PSBRC

TULONG MEDICAL

AMIANAN POLICE PATROL

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon