Dalagitang NPA na nasugatan, nasagip

Jul 16, 2017

CAMP BADO DANGWA, BENGUET – Maigting na kinondena ng Police Regional Office Cordillera (PRO-Cor) ang kilusan ng New Peoples Army (NPA) na patuloy na nangangalap ng mga menor de edad na ginagamit nila sa kanilang armadong pakikipaglaban sa gobyerno.
Ito ay matapos na isang sugatang 17 anyos na dalagita, estudyante ng Mataragan National High School sa Malibcong, Abra ang nasagip dakong 9am noong Hulyo 6, 2017 ng pinagsanib na pwersa ng Boliney police station at ng Philippine Army sa nakaraang engkwentro sa Boliney, Abra.
Bago ang pagkasagip sa menor de edad, nakatanggap ang Boliney PS ng text message mula sa isang concerned citizen na nagsasabing isang sugatang babae ang nagkubli sa tahanan ng isang Wilson Lawad sa Brgy. Amti, Boliney, Abra.
Nang rumesponde ang otoridad ay hindi nila natagpuan ang biktima sa naturang lugar at ipinaalam sa mga tumutugis na operatiba ng gobyerno na ang dalagita ay nailipat sa bahay ni Dino Tucyapao, kagawad ng Brgy. Amti, Boliney, Abra, kung saan nila natagpuan ang sugatang menor de edad at agad dinala sa Boliney PS.
Ang dalagita ay sinamahan ng MSWD, WCPD, mga magulang nito at ilang pulis sa Abra Provincial Hospital kung saan ito kasalukuyang ginagamot.
Sa isang panayam sa WCPD, sinabi umano ng dalagita na nakuha niya ang gunshot wound sa kaliwang paa sa kanilang engkwentro sa mga miyembro ng AFP sa Boliney, Abra noong Hulyo 1, 2017.
Ang ginawa ng NPA ay nagpapakita ng pababang bilang sa kanilang hanay at ang pagiging desperado ng mga ito sa paglinlang ng mga menor de edad para sa kanilang walang saysay na pakikipagdigma upang makamit ang pansariling kagustuhan, ayon sa PRO-Cor.
Ang pagkasagip sa 17 anyos na estudyante ay isang paalala na ang grupo ng NPA ay lubusang isinawalang-bahala ang deklarasyon ng UN Convention sa karapatan ng mga bata, at iba pang batas ng Pilipinas para sa proteksyon ng mga bata, pahayag ng PRO-Cor.
Sa ilalim ng pamamahala ni regional director PCSupt Elmo Francis Oco Sarona ay ipinagpapatuloy ng PRO-Cor, kasama ang AFP, ang pagsasagawa ng pursuit operations laban sa NPA sa iba’t ibang probinsya sa rehiyon ng Cordillera. PROCOR RPIO / ABN

RELATED POSTS

BIKE FOR CLEAN AIR 2022

BIKE FOR CLEAN AIR 2022

The La Trinidad Municipal in partnership with DENR-Environmental Management Bureau-CAR in observance of the Clean Air Month, the said...

IBENGUETS’ AWARDEES

IBENGUETS’ AWARDEES

A total of 32 individuals were recognized during the Benguet Awards 2022 graced by Senior Associate Justice Marvic Mario Victor F. Leonen...

AMIANAN POLICE PATROL

Suspek sa robbery sa Cagayan, arestado sa Kalinga TABUK CITY, Kalinga - Arestado sa manhunt operation ng pulisya sa Bulanao Norte, Tabuk...

LATEST NEWS

BAGUIO TOURIST ARRIVAL UMABOT SA 1.2 MILLION NGAYONG TAON

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinatayang umabot na sa 1.2 milyong o’ 150,000 kada-buwan ang bilang ng mga turista na dumadagsa sa Summer Capital mula noong Marso hanggang buwan ng Nobyembre ngayon taon. Iniulat ni Supervising City Tourism Officer Engr Aloysius Mapalo, na ang...

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two year’s due to the COVID-19 Disease. Mayor Benjamin B. Magalong led the Switching of the Christmas Tree with Congressman Mark Go,...

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

Philippine Airline company gears up to reopen its regular flight from Baguio City to Cebu on December 16, 2022 . Starting with Four Flight per Week, the pioneer PAL service links the City of Pines with the commercial heart of Visayas Region for the first time. In...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa manhunt operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency na pinaniniwalaang nagtatago sa iba’t ibang barangay sa lungsod...

BAGUIO OPENS YULITIDE WITH MAMMOTH CROWDS

BAGUIO CITY - Crowds gathered in a post pandemic show of lights and sound which officially opened the Yuletide in the City of Pines. Hundreds lined the city’s main thoroughfares Thursday evening to witness the symbolic lighting of the city Christmas tree which kicked...

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest