DALAWA PATAY SA KURYENTE, DALAWA PA SUGATAN SA BENGUET

TUBA, Benguet – Dalawa katao ang namatay, samantalang dalawa ang sugatan matapos makoryente habang nagkakabit ng linya ng internet sa may Proper Camp 3, Kennon Road, Tuba, Benguet.
Kinilala ng namatay habang isinusugod sa ospital na sina Joseph Panoy Vallejos, 55, residente ng 52A Interior C, Balacbac, Sto. Tomas Proper, Baguio City at Lorimer Dela Cruz Ruazol, a.k.a “lolipop”, 40, ng 95 Interior C, Balacbac, Sto. Tomas Proper, Baguio City.
Ang sugatan na nagtamo ng sunog sa katawan ay sina Benzar Casiano Vicente, 24,tubong Roxas, Isabela, at nakatira sa Bengao, Baguio City at Randy Lapitan Leonen, 41,ng No. 118, Purok 6, Irisan, Baguio City.
Ayon sa Tuba Municipal Police Station base sa pahayag ni Efren Martes, 51, ng Balacbac, Baguio City na kasamahan ng apat na biktima na pawang empleyado ng Converged Internet Company ay nagkakabit ng linya ng internet sa isang electrical ost sa tabi ng kalsada ng aksidente umanong mahawakan ang primary live wire ng Benguet Electric Cooperative (Beneco) at nakoryente ang mga biktima, dakong ala 1:00 ng hapon ng Hunyo 1.
Agad na nag-responde ang Emergency vehicle ng Barangay Camp 3,Tuba,Benguet at isinugod sa Baguio General Hospital and Medical Center, subalit idineklarang dead on arrival ang dalawa, si Vicente ay nagtamo ng pagkasunog sa kaliwang kamay at paa, samantalang si Leonen ay nasunog ang mukha at dumadanas umano ng sustained panginginig na kapuwa ginagamot sa hospital.

Amianan Balita Ngayon