DALAWANG MENOR DE EDAD NASAGIP SA BAR SA KALINGA

TABUK CITY, Kalinga – Dalawang menor de edad ang nasagip ng pulisya sa isang bar at ikinadakip ng dalawang suspek noong Agosto 27 sa Barangay Appas,Tabuk City,Kalinga. Sinabi ni BGen.Mafelino Bazar,regional director ng
Police Regional OfficeCordillera, ang dalawang suspek na nakilalang sina Maribeth Rizal Tagatag, 35, at Ber Angnganay Wandagan, 25, kapwa residente ng Kalinga, ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 na inamyenda ng RA 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012).

Ayon sa Tabuk City Police Station, person na pumunta sa kanila ang Tang ina ng 15-anyos na babaeng biktima para ireport ang insidente sa nawawala nitong anak,na kumontak sa kanya. Ayon sa ina ang kanyang anak na dalagita ay nawawala pa mula noong Hunyo 31 at noong Agosto 27 ay nakatanggap siya ng tawag mula sa anak at ipinaalam ang
tungkol sa kanyang kalagayan at lokasyon.  Ayon sa kanyang anak, nirecruit sila ni Tagatag para magtrabaho sa catering services. Gayunpaman, pagdating nila sa Tabuk City, nagulat sila nang malaman nilang magtatrabaho sila bilang mga bar attendant.

Bukod dito, pinilit ng suspek na Tagatag ang dalawang babaeng menor de edad na magtrabaho at masangkot sa mga sekswal na aktibidad kasama ang kanilang mga customer habang ang suspek na si Wandagan ay pinilit silang gumamit ng ilegal na droga (shabu) na nag-udyok sa 15-anyos na babaeng menor de edad na ipaalam sa kanyang ina. Agad namang rumesponde ang Tabuk CPS na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at nasagip ang anak nito at kasama nitong 17 anyos
na babae.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon