Dalawang rebelde, sumuko

CAMP DANGWA, La Trinidad, Benguet – Sumuko sa mga kinauukulan sina Ka Joshua, edad 36 at Ka Simon, edad 49, kapwa myembro ng New People’s Army (NPA) dito sa Cordillera noong Lunes, April 8 dahil umano sa hirap ng pamumuhay sa gubat.

Ayon kay ka Joshua, siya ay hinikayat noong 2003 na sumali sa rebolusyonaryong pwersa sa bayan ng Sagada, Bontoc, Besao, Tadian, at Mountain Province.

Sumuko si Ka Joshua sa punong tanggapan ng 503rd Brigade sa Barangay Calanan, Tabuk City, Kalinga. Ibinalik din niya ang kanyang M16 rifle at isang magazine na puno ng 11 na bala.

Samantala, si ka Simon, myembro ng Militiang Bayan (MB), ay sumuko naman sa mga operatiba ng Bauko Police, Philippine Army at 14RCDG.

Sinabi ng dalawa na nagbitiw sila sa samahan dahil sa kahirapan ng pamumuhay at kakulangan ng suporta ng masa.

Binanggit din nila ang walang humpay na operasyon ng pulisya at militar laban sa mga rebelde na dagdag pahirap sa kanilang pamumuhay.

Si Police Brigadier General Israel Dickson, regional director ng Police Regional Office Cordillera (PRO-Cor) ay nanawagan sa publiko na maging mapagbantay at mapagmasid sa paligid.

“To those in the NPA organizations, we encourage you to surrender to the authorities and we will ensure your enrollment on E-CLIP and your reintegration to the community. We thank hem for returning to the government fold, and finally realizing that the armed struggle is not the solution,” ani Dickson.

Kim Nicole Gan, UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon