DATING KAPITAN, SUGATAN SA AMBUS SA ABRA

BANGUED, Abra

Nakaligtas sa ambus ng di-pa nakikilalang mga suspek ang isang dating barangay chairman at pamangkin nito, matapos sila ay pagbabarilin sa Sitio Ramramot, Barangay San Antonio, noong Huwebes ng gabi, Agosto 29. Si dating Barangay Chairman Marcelino Banayos, 58, ng Sitio Saluden, Barangay Bañacao, Bangued at pamangkin nitong si Janssen B. Blanes, 20, construction worker, ay sugatan sa pamamaril at ngayon ay ginagamot sa ospital.

Sa imbestigasyon, sakay ng pick-up ang dalawang biktima patungong Barangay San Antonio nang pagbabarilin sila ng mga armadong suspek na lulan din ng sasakyan. Mabilis ding tumakas ang mga suspek, habang ang mga
biktima ay mabilis din naisugod sa ospital.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon