DATING MANGANGALAKAL, PAMBATO SA MISS UNIVERSE PHILIPPINES

URDANETA CITY, Pangasinan

Maipagmamalaki ngayon ng Pangasinan na ang dating mangangalakal na nagsikap makapag-aral ay magiging pambato para sa nalalapit na Miss Universe Philippines 2023 competition. Ipinahayag ni Evangeline Fuentes sa kanyang social media account,noong Pebrero 18, na isa siya sa 40 kanditada ng Miss Universe Philippines na magiging pambato para sa competition.

Ayon kay Fuentes, “I dedicate this journey to all the children in the landfill. Let the journey begin!” Isa sa kanyang adbokasiya ay ang makatulong at makapagbigay inspirasyon sa mga kabataan lalo na sa komunidad ng landfill. Lumaki siya sa hirap, at maliban sa pagiging tagakolekta ng basura, siya rin ay nagsasaka at nagtitinda mula pa noong siya ay nasa elementarya, at sa tulong ng kanyang pamilya lalo na ang kanyang mga kapatid, nakapagtapos siya ng kursong Accountancy sa Panpacific University.

“I am not ashamed of where I come from because it made me the empowered woman that I am today. Life back then was so hard for me. But I strived harder each day. I realized how far I have come and now I am giving back to my community,” dagdag pa niya. Si Fuentes ay nagtatag ng Smile program noong 2019 nang kalaunay ay tinawag na ‘Kalakal Charity’.

Nag-umpisa sa 50 benepisyaryo, na ngayon ay umabot na sa 180 at maliban dito, tumulong rin siya sa mga pamilyang labis na naapektuhan noong kasagsagan ng pandemya. “I trust the universe wholeheartedly. Ever since, I know in my heart that I am meant to help and inspire people, especially those dreamers from the landfill. Pray for me that the universe favors me today”. pahayag pa ni Fuentes.

Matatandaang nakaraang MUP competition, ipinahayag ng bagong may-ari ng organization na si Anne Jakkaphong Jakrajutatip, na isa sa katangiang hinahanap ay ang pagiging Transformational leader at hindi maitatangging isa si Fuentes dito. Ayon kay Jakrajutatip, “On this stage called the Miss Universe competition, we can elevate all women to feel strong enough, good enough, qualified
enough, and never be objectified again.”

Ito ay isang pahayag na tiyak na naglalarawan ng transformational leadership at karapat dapat na maging susunod na Miss Universe Philippines sa bansa.

By: Kate Madisson Lamigo,UB Intern

Amianan Balita Ngayon