Dayuhang lalaki nahagip ng sasakyan

Bahagyang napinsala ang kanang katawan at kanang paa ng isang dayuhan matapos na aksidenteng nahagip ng isang sasakyan ang motorsiklo nito dakong 2:10 ng hapon ng Enero 10 sa intersection ng Kisad Road at Abanao Extension, Baguio City.
Ayon sa ulat ng kapulisan, ang Toyota Innova Wagon na minamaneho ni Kathleen Santiago Sagyaman, 34, may-asawa, negosyante at residente ng Lucnab, Baguio City ay aksidenteng nabangga ang RUSI motorcycle na minamaneho ni David Lee Light, 58, single, unemployed, American National at residente ng Mystical Rose Road, Lourdes Extension, Dominican, Baguio City.
Ang mga rumespondeng tauhan ng BCEMS ay naglapat ng first aid sa biktima at pagkatapos ay dinala sa Notre Dame De Chartres Hospital. Kalaunan ay na-discharge ito matapos itong pinayagang makalabas ng attending physician kasama si Sagyaman.
Kinuha ng tauhan ng Traffic Enforcement Unit ng BCPO ang OR/CR ng dalawang sasakyan at mga lisensya ng dalawang drivers. Nabigyan din ang mga ito ng traffic citation ticket.

Amianan Balita Ngayon