De Lima at VP Leni, nagmamadali raw?

Mar 25, 2017

Habang sinusulat ang espasyong ito, nasa Thailand pa rin ang Pangulong Duterte para sa kanyang dalawang araw na official visit pagkatapos sa Myanmar. Kung gaano kainit sinalubong si Digong sa Mynamar, ganun din kainit sa Thailand lalo na sa mga Filipino community doon. Katunayan nga, nagkasundo ang Thailand at Pilipinas na lalo nilang paigtingin ang kanilang bigkis kontra sa ginagawa ng China sa West Phil. Sea. Na ibig sabihin, kaisa natin ang Thailand kontra China kung sa WPS ang pag-uusapan. Pero bago tumulak si Duterte sa Myanmar, may nasabi siya na parang ang gusto niya ay “hayaan na lang natin ang China”. Ipinaliwanag naman ito ng kampo Duterte na ang ibig sabihin ng pangulo ay “mapayapang solusyon dahil wala tayong ikakaya kung kakasa tayo ng giyera”. Sinundan naman ito ng isang pahayag kamakailan ni Pres. Digong na dapat ay huwag magmadali si VP Leni sa pagiging presidente ng Pilipinas. Patutsada niya ito sa harap ng Filipino community ng Myanmar. Pati nga si Sen. Trillanes ay nadaplisan sa mga patutsada nito kontra gobyerno. Hayy buhay nga naman. Akala natin nang mahalal na bise presidente si Leni Robredo, wala ng problema dahil napakainosente niya (daw) sa isyu ng politika. Pero ano na ang nangyayari? Silipin natin kasama na rin si Sen. Leila De Lima:

******

Bakit nasabi ni Pres. Duterte na parang nagmamadaling maging presidente si VP Leni? Upak ng mga analyst: mabigat ang ginawang pahayag sa pamamagitan ng video message ni VP Leni hinggil sa “Palit Ulo Scheme” ng Tokhang (EJK) dahil sa United Nations pa ito at hindi sa Pilipinas. Sabi nga ng mga eksperto, kung sa Pilipinas lang ito inihayag, maaaring mas magaan ang sipa. Pero buong mundo na ang nakaalam dahil sa UN niya ito idinaan. Malaki raw kasiraan ng Pilipinas ang ginawa nito. Kahiya-hiya diumano ang bansa natin sa nangyari. Sa mensahe ng bise presidente, inilahad nito na may “palit-ulo” daw sa Tokhang o kampanya kontra illegal drug. Na ang ibig sabihin ay habang di pa nahuhuli ang principal na suspect sa droga, ang mga kaanak muna ang babanatan. Bagay namang kinontra ni PNP Chief Bato De La Rosa. “Kung may maituturo pang mas malaking isda ang nahuling suspect, gagawin siyang witness para masakote ang mga mas malalaking sangkot sa droga. Yan siguro ang sinasabing palit ulo!”. Yan ang buod ng depensa ni Bato. Bakit nasabing parang nagmamadaling maging presdidente si VP Leni? Malinaw, ika nila na para ngang ganon ang takbo dahil sa kanyang mga ginagawa sa isyu ng EJK na nagiging kasiraan ng bansa. Kung masisira nga naman si Digong, sinong papalit, di ba siya (Leni)?

******

Dahil sa kamamadali diumano ni VP Leni, nasilip naman ng ilang abogado (Atty. Oliver Lozano at Melchor Chavez) ang mga kasong culpable violation of the constitution at betrayal of public trust upang isulong ang impeachment laban kay VP Robredo. Katunayan, naipadala na nila ang kopya kay House Speaker Pantaleon Alvarez. Ayon naman kay Georgina Hernandez, spokesperson ni Robredo, sila daw ay nag-aalala pero hangad nila na sana’y magkaroon naman sana ng tunay na prinsipyo ang mga mambabatas at hindi titignan ang reklamo nang may halong pulitika. Dagdag niyang hindi raw betrayal of public trust ang ginawa ni VP Leni dahil naglalahad lang daw ito ng katotohanan. Pero upak nga ng mga analyst: bakit doon pa sa UN ginawa at hindi na lang dito sa Pilipinas? Tuloy, pinag-aaralan na ng VACC sa pamamagitan ni founding chairman Dante Jiminez na pilahan din ng disbarment si Atty. Robredo dahil sa mga maling pahayag nito sa International Community.

*******

At bilang panghuli, ayon sa Korte Suprema, para ding nagmamadali si dating DOJ Sec. at Sen. Leila De Lima sa isyu ng mga kasong kinahaharap nito. Sa halip na hintayin ang pinal na resolusyon ng RTC (kung saan naka-file ang kaso nito) ay dumiretso na ito sa Supreme Court. Kaya tuloy sabi ni Associate Justice Leonin: hindi makukuha sa lakas at kasikatan ang tunay na hustisya. Dapat dumaan sa proseso. Abangan ang susunod na kabanata dahil lagpas na tayo sa espasyo. Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

MGA EKSENA BAGO MAG-PASKO

Bakit kaya sa tuwing magpaPasko…laging sumusulpot ang mga luma at bagong mga eksena? May 27 pang araw bago mag- Pasko pero daming GANAPS....

CONTAIN AND ISOLATE

There seems to be no end to the discovery by authorities of various unusual and perhaps illegal activities going on within the New Bilibid...

THE HARVEST CREATIVE COMMUNITY HUB

The Bayo Foundation together with Baguio City proudly presents the HARVEST CommUNITY Hub, a physical space in Baguio’s iconic Botanical...

PAGHAHANDA SA KAPASKUHAN

NITONG BUWAN, naging pasilip ang mga kasayahang inilunsad ng sektor ng turismo, upang mabigyan ng tamang paghahanda ang darating na...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest