Death penalty binatikos, inupakan pero lumusot!

Mar 11, 2017

Habang sinusulat ang espasyong ito, lumusot na sa third at final scrutiny ng lower house ang House Bill 4727 o ang Death Penalty Reimposition Bill. Sa botohan ng mga kongresista, 216 ang yes, 54 ang no at 1 ang abstention. Ibig sabihin majority ang pumabor na dapat ibalik na ang death penalty o parusang kamatayan sa bansa. Bago ang botohan, grabe ang balitaktakan at pagdepensa ng mga mambabatas na tutol dito bagamat simple lang ang banat ng mga pumabor. Kapuna-puna na maraming babaeng kongresista ang kontra, kasama na riyan sina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na kasalukuyang Pampanga Representative, dating First Lady Rep. Imelda Marcos ng Ilocos Norte at Batangas Rep. Vilma Santos Recto. Matatandaang sa Arroyo administration inalis ang parusang kamatayan. Parang tumugma ang kasalukuyang panahon sa pangyayari dahil ngayon ang International Month ng mga kababaihan na ang tema ay “We Make Change Work for Women”. Naaayon din ito sa pondasyon ng kasalukuyang administrasyon na: “Partnership for change and full implementation of the Magna Carta of Women”. Tsk tsk, ang galing naman ng mga pagkakataon, di ba?

*********

Balikan natin ang mga upak kontra sa re-imposition of death penalty: sabi nila di tayo dapat pumabor sa pagpatay sa tao bagkus ang pagpapahalaga sa kanyang buhay na hiram at bigay ng Diyos. Di rin daw ito makabubuti para sa mga OFWs na nasa death row sa iba’t ibang bansa. Kaya nga daw tayo umaapela sa kanilang gobyerno na huwag nang ituloy ang pagbitay sa ating mga kababayang bibitayin dahil walang ganyang parusa sa ating bansa. Pero kung may Death Penalty na tayo para daw wala ng saysay na aapela pa tayo dahil gawain din natin ang pumatay. Mga kauring kumento pa ang upak ng mga kontra at buong pinakinggan at tinanggap naman ng mga namahala sa house hearing. Ngunit nanaig pa rin ang bilang ng mga pumabor bagamat ang bilang na 54 (kontra) ay masasabing mataas na rin bilang sagisag ng pagkakaisa ng mga tutol sa parusang kamatayan. Sabi nga nila hindi raw death penalty ang gawing panakot upang walang krimen dahil noong umiiral pa ito, marami pa rin ang nagmatigas at sumuway. Yan ang dahilan kung bakit na-abolish daw ito sa panahon ni GMA. Sabi naman ng nakararami: panahon na ngayon ng pagbabago sa pamamagitan ni Pres. Duterte. Marami na raw ang hindi takot sa mga batas kontra krimen. Dapat lang na may katapat.

**********

Di pa man umaabot sa plenaryo ng Bicameral Committee ang usapin bago lagdaan ng pangulo upang maging batas, katakot-takot na mga tanong at batikos. Ang pinakamatinding tanong ay kung bakit daw hindi kasama ang plunder at rape sa pinagkaisahang Death Penalty re-imposition? Bakit ang mga drug-related crime lang ang papatawan ng parusang kamatayan? Sa anong estado ng pagkakasangkot sa droga ang mga kasama sa mapaparusahan? Pati ba mga user-pushers na pawang mga biktima rin ng mga drug lords o suppliers? May nagtanong pa kung kasama ba riyan ang mga tao ng gobyerno na naging bulag at kasabwat din ng drug lords? Kasama rin ba riyan ang mga opisyal na maituturong protector ng droga, maliit man o malaking isda ang hawak? Hindi kaya sinadyang hindi maisama ang plunder sa death penalty dahil maraming opisyal ng gobyerno ang mabibitay? Papaano na ang mga biktima ng rape at pagpatay? Hayy naku, marami pang katanungan ang dapat masagot bago maisabatas ang bill na yan, sabi ng marami. Sige mga kabayan, hintayin na lang natin ang kahahantungan ng isyung ito. Abangan ang susunod na kontrobersiya. Adios mi amor, chiao, mabalos!

RELATED POSTS

KALAMIDAD KAKAMBAL NG TRAHEDYA

Di pa nakakalayo ang bagyong Karding, pumasok na naman ang isa pang sungit ng panahon sa dulong Luzon. Buti na lamang at pa-exit na habang...

IT IS WAR

A Regional Trial Court in Manila has just rendered a decision that the Communist Party of the Philippines and the New Peoples Army...

THE MAKING OF FESTIVAL

The gongs will sound anew for Tam awan Village for the 12th TamAwan International Arts Festival (TIAF) on October 5 to 9, 2022. Heritage,...

BAGONG MUKHA NG UMAGA

WALA NG PAGAGAM ang buong kamunduhan na papalapit na ang bagong umagang matagal ng hinihintay, ang tuluyang pagtuldok sa pandemyang lampas...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest