Debt

Ang utang binabayaran, hindi nirarasonan, tinataguan, at kinakalimutan. Maaari naman kasing tingi-tingi kaibigan nang hindi maisasakripisyo ang pinagsamahan. Bakit nga kaya ganun iKit? Umutang sayo, binigay mo nang buo pero kung magbayad hindi buo? Ngunit pwede na ito kesa naman Merry Christmas to you! Thank you! Hehehe…

Nagpahiram ka pero parang ikaw pa ang nahihiyang maningil. Minsan nga naman nakakaloko kung maniningil ka, sila pa ang galit? Lakas ng loob noh? Matibay! Ang utang na loob, hindi raw mababayaran. Iyan ang sabi ng mga taong may nagpa-aral sa kanila. Hanggang ma-promote sa trabaho, makapag-asawa, magkaanak at minsan hanggang magka-apo pa. Ang hirap kasi cash mong binayaran pero iba pa ang interes na aksyon, nagmamalasakit. So hanggang kelan ang utang na loob? Well, walang nakakaalam.

Ang pinagtrabahuan mo, pinagsikapan, pinaghirapan, minsan parang bulang naglalaho. Ang sarap sa pakiramdam makahawak ng pera sa mga palad pero kailangang bayaran ang responsibilidad at obligasyon na wala man lang natira para sayo. Hindi pa nga naman kasi umiinit sa kamay mo ang pera sadya na itong kumakawala sayo. Ang hirap nga naman talaga ng buhay noh iKit? Ngunit masarap sa pakiramdam kung si Dang-at ay katulungan mo nang sa gayun ay medyo magaan naman ang buhay noh!

Be responsible of your decisions and actions. Whatever you do, think and say, it is accountable to you. Meaning, “sungbatam to met lang ken apo”. In the Bible (KJV) 1Samuel 2:3 said “Talk no more so exceeding proudly, Let not arrogance come out of your mouth: For the Lord is a God of knowledge, and by him actions are weighed.”

Nakakalungkot lang kasi walang nakukulong dahil sa utang. Kahit pa nakikita mong panay ang post sa Facebook ng mga pinupuntahang lugar at kinakainan, mga bagong damit at gadgets, hindi ka makareklamo dahil pikit na ang mata at pikit pa ang tenga. Ngunit gayun pa man iKit, now you know! Hindi na yan makaka-ulit at totoo ang kasabihan na “Ang utang pwedeng kalimutan at takasan, pero hindi mo pwedeng balewalain ang kahihiyan,” by Peso Sense. Tama nga naman, ang nakakalungkot lang dahil sa iyong utang wala nang nagtitiwala sa’yo, nawalan ka pa ng mga tunay na kaibigan.

Iwasan ang maging gastosera, kung ano lamang ang nasa listahan na dapat bilhin at kailangan, iyon lang ang bilhin. Bumili ng mga gamit na alam mong mura na at dekalidad pa upang magtagal kesa ang mura na nga madali naman masira eh di’ bibili ka ulit. Tanggihan ang mga taong nag-aaya sa labas na alam mo namang mapapagastos ka lang dahil chip-in naman pala at hindi libre.

Hindi ako perpekto iKit, ako din ay may mga obligasyon. Ang sulating ito ay gabay lamang sa atin nang hindi tayo malugmok sa kalungkutan. Andito ang inyong lingkod Tita Ara Katter, magtulungan tayo dahil “Ti panagkaykaysa, mangiwanwan iti naranyag nga pagsayaatan.”

Amianan Balita Ngayon