BAGUIO CITY
Ang non-governmental organization na Disaster Environment Lifesaving Traffic Assistance Network Systems (DELTANS) Inc. o kilala sa pangalang Deltans Zigzag Base, ay kasalukuyang nasa siyudad ng Baguio para tumulong na mapanatili ang kaligtasan ng mga tourista at residente habang isinasagawa an g selebrasyon ng Panagbenga Festival.
Isa ang Deltans Zigzag Base ang nagsilbing tagabantay sa mag “Handog ng Panagbenga sa Pamilya
Baguio” event na naganap sa Melvin Jones Grandstand, kasama ang mga nadestinong kapulisan noong Pebrero 12. Ayon kay Chapter President Gerald Malapit, sila ay naitalaga asign event marshal at tulungan ang mga organizers na panatilihin ang kaayusan ng aktibidad.
Aniya, handa ang kanilang grupo sa mga maaaring posibilidad na mangyari, at dahil sa tulong ng kanilang Communication Radio, madali nilang ma-contact ang kanilang mga kasamahan kung
mayroong mga insidente at para ito’y masolusyunan ng kaagaran. Pahayag din ni Head of New Generation, Tristan John Quiano, ng Deltans Zigzag Base, “Kung tumatawag man ang puso mo para sa bolunterismo at tumulong sa lungsod ng Baguio City, bisitahin niyo ang aming
Facebook page, maaari kayong mag abot ng mensahe kung interesado kayong sumali.
Bukas ang aming grupo upang tumanggap ng mga nagnanais maging parte ng aming organisasyon, hangga’t nasa 18 years old and above ka. Ang kinakailangan lang namin dito ay commitment.”
John Julius Avila/UB Intern/ABN
February 18, 2023
September 7, 2024
September 7, 2024
September 7, 2024