BAGUIO CITY
Mahigpit na pinag-iingat ng City Health Services Office ang publiko laban sa dengue at leptospirosis na pangunahing
sakit sa panahon ng tag-ulan. Iniulat na tumaas ng 15 porsiyento ang kaso ng dengue at maaaring patuloy na tumaas
batay sa monitoring sa paglipat mula sa El Niño phenomenon patungo sa La Niña season sa Baguio City. Sinabi ni Dr. Donnabel Panes, CHSO medical officer na tumaas ang kaso ng dengue sa lungsod mula 284 noong nakaraang taon hanggang 328 na sumasaklaw sa parehong panahon ng Enero hanggang Mayo ngayong taon.
“Inaasahan na natin ang pagtaas ng kaso ng dengue simula ngayon dahil sa tag-ulan, kaya nga ang General Services
Office ay kasalukuyang nagdodouble time sa denguerra ng lungsod kasi mas maraming basura, mas maraming possible breeding sites.” sabi niya. Iniulat din ang pagtaas ng kaso ng leptospirosis mula 126 porsyento noong nakaraang taon 126 porsiyento sa mga buwan ng Hulyo at Agosto, sa pagsisimula ng tag-ulan na nagdulot ng pagkamatay ng pitong indibidwal.
Sinabi pa ng health authorities na ang dengue at leptospirosis ay parehong nakakamatay na sakit, kapag ito ay pinabayaan. Mainam na agad magpa-konsulta sa pagamutan, kapag nakaramdam ng mga kakaibang sintomas,upang agad itong mapatawan ng lunas.
Zaldy Comanda/ABN
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024