Dental Laboratory business permit tinalakay sa BBDLA assembly

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinalakay sa kaunaunahang general assembly meeting ng Baguio Benguet Dental Laboratories Association (BBDLA) sa tulong ng Philippine Dental Association ang pagpaparehistro ng business permit ng bawat dental laboratory sa lungsod noong Linggo, Marso 31, kasabay ang pagtatalaga ng mga bagong opisyales ng asosasyon.
Hinimok ng Philippine Dental Association (PDA) ang Department of Health (DOH) at ang BBDLA na gawing mandatory ang pagpaparehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC), Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of Environment and National Resources (DENR) ang lahat ng Dental Laboratory sa Baguio at Benguet para sa dalisay na serbisyo ng mga Dental Technician ng lungsod.
Ito ay para na din makaiwas sa mga nagsasagawa ng kolorum o ilegal na business na sa siyudad.
Tinalakay din sa pagpupulong ang pondo ng asosasyon, na ang sobrang pondo ay mapupunta sa mga bagong proyekto na nangangailangan ng pondo, lalong-lalo na sa mga charity at
sa mga proyekto ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa adhikain ng asosasyon mula sa pagsunod sa bawat alituntunin ng PDA, inihayag ni BBDLA secretary Evangeline Nidoy ang sumusunod: “Unang-una, makiisa sa bawat presyo ng pangkalakalan sa paggawa ngkani-kanilang mga produkto; pangalawa, para hindi sangayunan yung mga dentistang umaaabuso sa serbisyo ng mga dental technicians; at pangatlo ay para magkaroon pa ng teamwork ang bawat dentista at mga dental technician”.
Sinisiguro din ng asosasyon ang pagbibibigay ng mga advantage sa mga miyembro nito upang makatiyak na nabibigyang pansin ang kanilang serbisyo.
Dagdag ni Nidoy na hinihikayat din ng asosasyon ang lahat ng dental technicians na magpamiyembro sa asosasyon para mabigyan sila ng mga karagdagang benepisyo.
Pumayag din ang iba’tibang dental laboratory owners na maging sangay sila ng PDA.
 
Jethro N. Faina,UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon