DepEd employee timbog sa droga sa Abra

JUST IN

BANGUED, Abra – Natimbog na ng Philippine Drug Enforcement Agency-Abra ang matagal na nilang sinusubaybayan na empleyado ng Department of Education (DepEd) na sangkot sa pagbebenta ng shabu sa Bangued, Abra.

Sinabi ni PDEA Regional Director Gil Castro, ang nadakip ay nakilalang si Jersey Pat Barbero,disbursing officer ng DepEd-Abra at residente ng Barangay Cabaroan, Bangued,Abra.

Ayon kay Castro  si Barbero ay itinuring na High Value Target (HVI) ng PDEA. Sa ulat, noong Oktubre 18 dakong als 5:40 ng hapon ay nagpanggap na poseur-buyer ang isang intelligence officer ng PDEA at naganap ang buy-bust operation sa Rizal St., Barangay Kabildatan Zone 7, Bangued,Abra.

Nakuha suspek ang may humigit-kumulang ns 1.3 gramo ng shabu na may Stardard Drug Price na P9,300; buy-bust money at service nitong  NMAX V2 grey motorcycle.