DEPED ILOCOS NAKIKITA ANG PAGSIGLA NG EDUKASYON SA PAMAMAGITAN NG PAGTATAYO NG CLASSROOM, PAGKUKUMPUNI

SAN FERNANDO CITY, La Union

Pinapalakas ng Department of Education (DepEd) Region 1 ang paghahatid ng de-kalidad na edukasyon sa rehiyon ng Ilocos sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga bagong silid-aralan at pagpapanumbalik sa mga lumang gusali.
Iniulat ni DepEd-1 Regional Director Tolentino Aquino na ang konstruksiyon ng mga bagong pasilidad na silid-aralan at pagkukumpuni ng mga kasalukuyang istruktura ay ginagawa mula pa noong 2022. “Ang bilang ng ating mga pasilidad sa edukasyon ay nasa 3,392 na mga pumpubliko at pribadong paaralan.

Masuwerte tayo na makapagpatayo ng 382 bagong pasilidad para sa ating mga mag-aaral noong 2022,” pagbabahagi ni Aquino. Ipinaliwanag pa niya na 301 sa mga bagong silid-aralan na naitayo noong 2022 ay pinalitan ang mga lumang istruktura na sinira ng mga nakalipas na mga kalamidad, kung saan ipinapakita ang pangako ng ahensiya sa
pagpapanatili ng de-kalidad na edukasyon sa kabila ng pabalik-balik na mga likas na sakuna, gaya ng mga bagyo at
lindol, na nakakaapekto sa rehiyon. Noong 2023, karagdagang 218 na classrooms ang itinayo, na ginawa sa pagpapahusay sa imprastrukturang ginawa sa nakalipas na taon.

Ang pagkukumpuni sa mga mas lumang pasilidad ay nag-umpisa rin noong 2022 at nagpatuloy ngayong taon.
“Nalaanan kami ng mga pondo para sa pagkukumpuni ng 206 classrooms noong 2022. Noong 2023, inayos namin ang 665 na classrooms sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Department of Public Works and Highways
(DPWH), at 125 classrooms pa na aayusin sa 2024,” dagdag ni Aquino.

Nagpahayag ng suporta si Nora G. Villanueva, isang public schhol teacher sa Don Eufemio F. Eriguel Memorial National High School sa Agoo para mga pagsisikap ng DepEd sa pagpapatayo at pagkukumpuni, na binigyan-diin kung paanong ang mga pagsasaayos na ito ay mahalaga sa pagtanggap sa lumalaking populasyon ng estudyante.

Kamakailan ay nakinabang ang paaralan mula sa karagdagang mga bagong pasilidad, na sa ngayon ay aktibong nagagamit ng mga senior high school student sa lugar. “Ang mga bagong pasilidad ay mahalaga dahil sa tumataas na bilang ng mga estudyante na nag-eenroll sa mga pampublikong paaralan. Ang mga inisyatibo sa edukasyon ay mas
epektibo kung nasusuportahan ng moderno at mabuting-pagpapanatili mga pasilidad,” ani Villanueva.

Iniulat din ng DepEd na 21 karagdagang classrooms ang naitayo sa “Last Mile” schools, tumutulong na ipatupad ang mga inisyatibo sa edukasyon sa mga liblib at hindi naseserbisyuhang mga lugar ng rehiyon ng Ilocos. Kaugnay ng holistic approach nito, nagpatayo din ang DepEd Region 1 ng 61 health facilities sa mga piling paaralan noong 2022, tinutugunan ang mga pangangailangan sa kalusugan ng mga estudyante, at iba pang mga kawani.

(CCMT-PIA La Union/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon