Bilang paggunita sa World Health Day ay tinalakay ang mga isyu tungkol sa depresyon sa isang talakayan na pinangunahan ng Baguio General Hospital Medical Center (BGHMC) at kaagapay ang Department of Health-Cordillera (DOH-CAR) noong Abril 5.
Binigyang-linaw ni Dr. Ramona Abat, Medical Specialist III ng Department of Psychiatry ng BGHMC, na ang depresyon ay hindi mababaw na isyu at kailangan ng agarang aksiyon mula sa mga kinatawan ng kagawaran ng kalusugan.
Ayon pa kay Abat na isa sa bawat limang tao sa mundo ang diumano’y nakakaranas ng depresyon o 20 porsiyento ng populasyon sa mundo at kadalasang mga estudyante sa kolehiyo ang nakakaranas nito. Mas mataas na bilang ng mga kababaihan ang nakakaranas nito dahil diumano sa hormonal imbalances kumpara sa mga kalalakihan.
Isang nakikitang dahilan at sanhi ng depresyon ay ang kakulangan ng komunikasyon at wastong gabay mula sa malalapit na kaanak at kaibigan.
May mga kaso ng depresyon sa rehiyon na nakatala sa BGHMC ang tinututukan subalit may kakulangan sa mga psychiatrists na kailangang tumulong at mag-asikaso sa mga pasyente.
Sinabi ni Abat na mayroong programa ang DOH-CAR upang matulungan ang mga pasyente gaya ng pagbibigay ng libreng medikasyon, libreng konsultasyon, mga seminars at programang ibinabahagi sa komunidad at paaralan sa rehiyon subalit hindi raw nakakarating sa mga tao dahil sa kahirapan ng komunikasyon at kalayuan ng lugar.
Dahil dito ay plano ng DOH-CAR na pumunta sa bawat munisipyo sa rehiyon at makipagtulungan sa mga lokal na opisyal upang maipalaganap ang libreng serbisyo at programa para sa mga nakakaranas ng depresyon.
Bilang palala ni Dr. Abat ay kailangan daw ugaliing makinig sa mga kaanak o kaibigang nakakaramdam ng matinding kalungkutan na nagdudulot ng depresyon at huwag itong ipagsawalang-bahala dahil sa tahanan umano nagmumula ang kagalingang pangkalahatan. Wendell Roque, UB Intern / ABN
April 8, 2017
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024