Digital Library ipinamahagi sa Benguet

Mar 2, 2018

LA TRINIDAD, BENGUET – Ipinamahagi ng Department of Science and Technology ang 14 units ng STARBOOKS (Science and Technology Academic and Research-based Openly Operated Kiosks) Digital Science Library sa probinsya ng Benguet.
Pinangunahan ni DOST-STII Finance and Administrative Division Chief Arlene Centeno ang turnover ceremony na ginanap sa Benguet Provincial Capitol noong Pebrero 27.
Ang DOST STARBOOKS ay ang kauna-unahang digital science library sa bansa. Maaring gamitin ang digital library kahit walang internet connection. Naglalaman ito ng mga research materials sa science and technology, local and foreign, resource materials sa text, video, at audio formats; mayroon din itong journals, technology materials at livelihood videos.
Kasama nang nakapaloob na topic dito ang tungkol sa food and nutrition, health and medicine, energy, environment, climate change, livelihood projects, at iba pa.
Ayon kay Centeno, magiging malaking tulong ang digital library sa mga paaralan para mas matuto pa ang mga studyante tungkol sa science and technology lalo na sa mga paaralan na walang access sa internet connection
“We need to expose the children sa science and technology para mas maging aware sila sa mga ito at maaring sa pamamagitan nito makakatulong sila sa pag-unlad ng ating bayan,” aniya.
Nagpasalamat naman ang Department of Education (DepEd) sa pamamahagi ng digital library sa mga paaralan sa Benguet.
Ayon kay DepEd-CAR Assistant Regional Director Bettina Aquino, isa itong malaking tulong na maibabahagi sa mga paaralan dahil marami pang mga paaralan sa probinsya ng Benguet ang walang access sa internet. “Nasisigurado ko na magiging maganda ang teaching and learning process sa mga paaralan na makakatangap nitong digital library lalo na sa science and technology,” aniya.
Hiniling naman ni Governor Crescencio Pacalso sa mga paaralang makakatanggap ng STARBOOKS na sana wag limitahan ang mga studyante sa paggamit ng digital library “Sana wala nang madaming approval ‘pag gagamit yung estudyante ng digital library, hindi na dapat dadaan pa sa principal o kung sino-sino man para hindi malimitahan yung paggamit ng mga estudyante sa digital library sa kanilang eskwelahan,” saad ng gobernador.
Ibinahagi ang 14 units ng STARBOOKS digital library at kompleto na itong maibibigay sa mga napiling paaralan sa Benguet. Hindi lamang ang mga paaralan ang maaring magkaroon ng STARBOOKS, ito ay bukas din sa mga local government units at non government organizations. ALLAN LEMUEL C. SUNGA, UB Intern

RELATED POSTS

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest