BANGUED, Abra – Inilatag ng Department of Interior and Local Government (DILG) – Abra provincial office ang CORE provincial roadshow nito at inipon ang lahat ng namumuno sa mga barangay, ng probinsiya, at mgakinatawan mula sa national government agenciea, akademiya, at civil society organizations.
Ang provincial roadshow na kaugnay ng political agenda at kampanya para sa isang Constitutional Reform (CORE) ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ginawa sa Divine Word College og Bangued gymnasium na higit 2,000 ang lumahok.
Sinabi ni DILG-Abra Provincial director Millicent Carino na ang akibidad ay lugar para sapagtitipon upang makalikha ng isang dayalogo sa pagitan ng gobyerno at mamamayan ukol sa adbokasya ng CORE.
Tinalakay ni Carino ang apat na haligi ng CORE na ”Pagyamanin ang Probinsiya, Paluwagin ang Metro Manila”; “Gobyerno para sa Tao, Hindi Para sa Trapo”; “Bukas na Ekonomiya nang Lahat may Pagasa”, at “Bagong Konstitusyon para sa Bagong Henerasyon.”
Sa kaniyang mensahe na ipinarating ni Provincial Board Member Antoio Dayag ay sinabi ni Governor Maria Jocelyn Bernos na lubos niyang sinusuportahan ang pagbabago sa konstitusyon na potensiyal na magdadala sa katuoaran ng pang-rehiyon na otonomiya.
“The Provincial Government of Abra is committed to support a constitutional reform and the pursuit of our regional autonomy,” aniya. Bukod dito ay hinikayat ni Dayag ang mga barangay na amging bahagi ng kilusang ito at iparating ang adbokasya sa kanilang mga nasasakupan.
Pinasalamatan ni Abra Congressman Joseph Sto. Niño Bernos ang mga lumahok sa pagdalo sa aktibidad at siniguro niya na bibigyan niya ng lubos na atensiyon ang mga tanong ng mga Abrenian ukol sa CORE.
“I’m here to listen and be open to all your queries, suggestions and concerns for me to raise up at the Congress,” ani Congressman Bernos.
Sa buwang ito ay ipinila ni Bernos at mga kapuwa congressman ng Cordillera ang House Bill 5687 na humihingi ng pagtatatag ng Autonomous Region of Cordillera.
“The eventual passage of this bill will be the first step in realizing our dreams of a united, peaceful, prosperous and distinctively unique community that our forefathers dreamt for us,” ani Bernos sa kaniyang official Facebook page.
CAGT- PIA-CAR,Abra/PMCJr.-ABN
December 30, 2019
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024