“Direktang benepisyo tuloy tuloy kay Cong Eric Yap”

Kapuri-puri ang pagiging maka-masa ni Benguet caretaker congressman Eric Yap. Sa pagnanais na “walang maiiwan sa pag-unlad” sa probinsya ng Benguet, tumutungo ang mambabatas sa kasuluksulukang lugar ng probinsya upang maghatid ng ayuda at tulong. Isa na dito ang Ansagan, Tuba, Benguet.

Ang Barangay Ansagan ay isa sa mga liblib at mahirap na barangay sa Benguet.

Kinakailangan dumaan ng Sison, Pangasinan upang marating ito. Sa katunayan, may lugar na maaabot lamang sa pamamagitan ng paglalakad ng kalahating araw.

Sa tulong ni Cong Yap, maisasakatuparan na ang ninanais ng mga taga dito na hindi na dumaan pa sa Sison, Pangasinan kung tutungo sa munisipyo nila sa Tuba, Benguet.

Magbubukas sa 2022 ang P200 milyong halaga ng 12-kilometrong proyekto na magdudugtong sa Ansagan sa sitio Dongon, Barangay Camp 1, Kennon Road na sakop ng Tuba, Benguet.

Napakalaking kaginhawaan nito para sa mga taga-Ansagan lalo na sa transportasyon ng mga produkto nila o mismong mamamayan.

Hindi masasabing pamumulitika ang ginagawa ni Cong Yap dahil napakaliit ang botante sa Ansagan. Nais lamang lunasan ng butihing Kongresista ang napakatagal nang paghihirap ng mga mamamayan na hindi nagawa ng mga nagdaan.

Bukod pa dito ay ang planong ipagpatayo ni Yap ang mga taga Benguet ng P100M potable water project. Isa din ang Ansagan sa mabibiyayaan bukod pa sa napakaraming mga komunidad sa probinsya ang walang maayos na pinagkukunan ng ligtas na inuming tubig.

Tiyak na malaking bagay para sa mga taga-Ansagan na nabigyan sila ng pansin ng kanilang representante sa Kamara. Tunay nga na ang serbisyo publiko ay walang pinipili at hindi pinapanahon.

Ipagpatuloy nawa ang paglapit ng gobyerno sa tao at ang pamamahagi ng direktang benepisyo, lalo na sa mahihirap nating kababayan.

Amianan Balita Ngayon