‘Distracted walking’ law, ipinatutupad na sa Baguio

LUNGSOD NG BAGUIO – Ang paggamit ng mga mobile device katulad ng cellphone, tablet, at iba pang mga katulad na device habang naglalakad ay ipinagbabawal na sa lungsod.
Ang Ordinance 49-2019 “prohibiting and regulating the use of mobile devices and other distractive devices and items while walking and crossing the streets and sidewalks in the city of Baguio” ay ipatutupad pagkatapos maihayag sa publiko.
Sinasakop ng pagbabawal ang pagbabasa ng kahit anong bagay o babasahin habang naglalakad. Isinasaad ng nasabing ordinansa na ang distracted walking ay isang pangunahing pag-aalala sa kaligtasan ng pedestrian, kung saan binanggit na lumalala ang mga pagkamatay sa tawiran taontaon.
Haharap sa maximum penalty na Php2,500.00 multa at community service o pagkabilanggo ng 11 hanggang 30 araw sa pang-apat at sa mga susunod pa na pagkakasala ang sinumang lalabag sa nasabing ordinansa.
“Distracted driving is a deep-rooted problem that many cities and provinces in the country have prohibited the use of technology, especially cellphone while driving. However, the problem of distracted walking is a relatively new one but an emerging cause of numerous road accidents” (ang distracted driving ay isang malalim nang problema, kaya ipinagbawal sa maraming siyudad at probinsiya sa bansa ang paggamit ng teknolohiya, lalo na ang cellphone habang
nagmamaneho.
Ang problemang distractive walking ay medyo bago ngunit isang umuusbong na sanhi ng maraming mga aksidente sa kalsada), ani Scout Official for a Day (SOFAD) Eriko Coscoluela, orihinal na may-akda ng panukala.
Taon-taon ay dumadami ang mga taong napapahamak dahil sa pagte-text, pakikipag-usap o pakikinig sa musika mula sa kanilang cellphone, di wari ang kanilang paligid.
“The problem of distracted walking is a very real and serious one” (ang problemang distracted walking ay napaka-totoo at seryoso), isinulat ni Coscoluela sa panukalang kanyang isinumite noong nakaraang taon.
Ang teksto ng ordenansa ay nai-post sa mga bulletin board ng tatlong linggo mula noong Hulyo 5, 2019 at nai-publish din sa isang lokal na pahayagan batay sa sertipikasyong mula kay City Council secretary Brenner Bengwayan.
Samantala, sumasang-ayon sa pangangailangang maipatupad ang ordinansa ang isang government employee na nagngangalang “Jona”.
“Minsan nababangga ka nila kasi ‘di nila tinitingnan dinadaanan nila dahil sa kaka-cellphone,” aniya.
 
PNA/MDR-ABN

Amianan Balita Ngayon