DOH-CAR nakahanda sa novel coronavirus

LUNGSOD NG BAGUIO – Siniguro ng Department of Health – Cordillera Administrative Region (DOH-CAR) na handa ang mga pangunahing ospital sa rehiyon na tumanggap ng mga pinagsususpetsahang pasyente na nahawa sa 2019 novel coronavirus (2019-nCoV), ayon sa isang opisyal noong Miyerkoles.

Sa isang press conference ay sinabi nig Dr. Jennifer-Joyce Pira, Infectious Disease Cluster head ng DOH-CAR na ang SLU Hospital of the Sacred Heart, Notre Dame de Chartres Hospitals, Pines City Doctors Hospital, at pinakamalaking government run-hospital, Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC), ay may mga pasilidad na kukuha ng mga samples mula sa suspected nCoV carriers.

Handa rin ang Far North Luzon General Hospital and Training Center sa Luna, Apayao at ang Conner District hospital sa bayan ng Conner para sa ganitong pasyente, ani Pira.

Sinabi niya na ang mga ospital na ito ay naglagay ng isolation rooms sa emergency rooms o malapit dito. May mga ambulansiya rin. Supplies gaya ng personal preventive equipment (PPE).

“We have requested additional supplies like N95 masks as ours is only good for two weeks, assuming we have three cases a day,” ani Pira.

Sinabi ni Pira na mamamahagi sila ng mga kopya ng checklist at monitoring sheet of facilities, equipment, supplies, personnel, mobility sa lahat ng mga ospital sa rehiyon.

Sinabi ni Dr. Janice Bugtong, isang director ng DHCAR na lahat ng pasilidad sa rehiyon ay inutusang paganahin ang kanilang Emerging and Re-emerging Infectious Disease (EREID) fast lanes, siguruhin ang availability ng isolation rooms, reactivation ng kanilang referral system at surveillance sa influenza-like-illness.

Samantala ay sinabi ni Dr. Rowena Galpo, Baguio City Health Services Office chief na nakahanda sila na hawakan ang health alert situations, gaya ng paghawak sa meningococcemia noong 2005.

“We have a system already on how to handle it… the World Health Organization helped us and we continue to update it,” ani Galpo.

Sinabi niya na sa mga nagdaang taon ay nabigyan ang mga health workers ng pagsasanay sa protocols, case management, communication plan at kahit sa pagkuha ng mga sample.

Pinayuhan din ni Galpo ang publiko na manatili sa bahay kung maysakit sila dahil sa inaasahang pagdagsa ngmga turista umpisa Pebrero 1.

Sinabi ng mga opisyal ng kalusugan na ang n-CoV at iba pang respiratory infections ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng health at sanitation measures.

Gamit ang acronym na W.U.H.A.N, sinabi ni Bugtong: “Wash hands often, Use mask properly and when necessary. Have your temperature checked every day, Avoid large crowds and Never touch your face with unclean hands.”

Sinabi ni Dr. Thea Cajulao, BGHMC infectious disease specialist na ang paggamit ng face masks ay makakatulong hindi lamang upang makaiwas sa pagkahawa sa 2019-n-CoV kundi pati sa ordinaryong ubo at sipon.

Sinabi ng mga opisyal ng kalusugan na ang pagpapanatiling malakas sa immune system gaya ng sapat na tulog, kumain ng balanse at malulusog na pagkain, mag-ehersisyo ng pisikal ay mabuting paraan na panghadlang sa sakit.

Nagpadala ang DOH-CAR ng blood samples ng isang Chinese national na dumating sa rehiyon na may ubo sa Research Institute fro Tropical Medicine para masuri.

Ang nasabing Chinese national na hindi naman naglakbay sa Wuhan, Chima kung saan napaulat na nagmula ang n-CoV ay nasa ilalim ng house quarantine sa loob ng 14 na araw, kasama ang dalawang roommates, habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri, ani DOH-CAR.

Siniguro ng DOH-CAR na nananatiling walang kaso ng 2019-nCoV ang rehiyo.

LA-PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon