BAGUIO CITY
Nagbabala kamakailan ang tanggapan ng Department of Health sa publiko na huwag ng dumalo o makibahagi sa mga idinaraos na mga festival sa ibat-ibang bansa upang hindi na makahawa sa ibang tao at maiwasan ang pagkalat ng virus. Ang babalang ito ay ibinaba ni Jenee Austria, chief of the Communications Management Unit (CMU) of
DOH-CAR, na kung saan aniya ay nagbigay na sila ng mga babala o health advisory sa publiko sa kanilang social media page upang bigyan ng paalala ang mga mamamayan na mag-inagat sa pagkakaroon ng sakit lalo na ngayon panahon ng tag-lamig na kung minsan ay dumarating ang biglang init ng panahaon at dito nagkakaroon ng sakit ang mga tao.
Ayon kay Asutria, “As part of the preparations for festival season in the Cordilleras, the region anticipates increased
public mobility and mass gatherings following the influx of tourists and visitors. Along with these comes a greater
chance for the possible spread of infectious diseases. The Department of Health – Cordillera strongly urges
everyone to practice the health reminders to partake of the festivities safely and healthily” Idinagdag pa niya na
panatilihin na malinis ang kapaligiran lalo na aniya na dapat tignan ng mga tao ang mga pagkain na kanilang
kinakain sa mga restaurant o mga turo-turo kung malinis ba ito o hindi. Dahil pag marumi ang pagkain aniya dito
nakakakuha ng sakit ang isang tao.
Nitong nakaraang lingo aniya ay may naiulat ang DO_H –CAR na may mga nagkaroon ng o mpox (formerly monkey
pox) sa lunsod na ikinamatay pa ng isa sa mga naunang biktima ngunit ang biktima ay hindi taga Baguio. Idinagdag pa na ay tumaas din ang kaso ng hand, foot, and mouth disease (HFMB) na mula sa 61 sa buwan ng Enero 18, 2025 mula sa anim na biktima noong nakaraang taon. “Medical facilities are advised to adopt strict infection prevention and control protocols like proper sanitation and disinfection practices for shared spaces and objects,” ayon pa ni Austria. Sa ngayon ay nagsasagawa ng pamimigay ng protective equipment (PPE), sanitizing agents at iba pang mga pangontra ng virus upang ito ay maiwasan . Naghanda na rin ng mga “isolation facilities” ang DOH-CAR bilang
paghahanda sa maaring pagdami ng mga taong magkakaroon ng virus.
(Liza Agoot/PNA)
February 1, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025