Domogan, nagbabala sa pasaway na kontraktor

Jul 9, 2017

LUNGSOD NG BAGUIO – Hindi na natiis pa ng ilang residente at motorista ang mga nakatiwangwang na mga proyekto sa kalsada sa mga barangay ng lungsod na iniwan ng pasaway na mga kontraktor kaya idaing nila sa tanggapan ni Mayor Mauricio G. Domogan.

Bago pa dumating ang tag-ulan ay sinimulan na ang pagbubungkal ng ilang kalsada sa mga barangay ngunit nagreklamo ang mga residente at motorista dahil napansin nila na wala nang nagtatrabaho at iniwanan na lang bastang nakatiwangwang ang hindi pa madaanan na kalsada. Partikular na nagpunta upang magreklamo sa tanggapan ng mayor ang mga residente ng Pinget at Military Cut-off.

Ayon naman sa panayam ng Amianan Balita Ngayon kay Pinget Punong Barangay Pablo Pawi, “pansamantala muna hininto ang trabaho dahil walang tauhan ang kontraktor, ipaparating muna ito sa administrasyon kung paano ang magiging sitwasyon nitong proyekto.”

Sinabi naman ng mayor na nangako si Engr. Rene f. Zarate, officer-in-charge ng District Engineering Office ng DPWH-CAR, na tututukan ang mga proyekto na matapos sa panahon na nakalagay sa kontrata. “Now if they won’t then iti-terminate nila yung kontrata at ibigay sa ibang contractor or administration will take over,” babala ni Domogan.

Ipinaliwanag ni Domogan sa kanyang lingguhang ugnayan na bago naipasa ang Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act ay napagkasunduan kasama ang chairman ng Pre-qualification, Bids and Awards Committee (PBAC) na ang mga kontraktor na may pending project o proyektong hindi pa natatapos, sa national man o lungsod ang pagmumulan ng funding, ay hindi maaaring maki-bid.

Hindi rin pwedeng ipa-sub-contract ang isang awarded project sa ibang contractor, aniya.

“Sa awarding ng project, only one project can be awarded to one contractor during one bidding para mapigilan natin yung posibilidad na ginagawa ng mga ibang contractor just participate and participate in the bidding tapos nanalo siya ng apat na project pero wala siyang manpower to implement these projects kaya ipa-sub-contract mo na lang o ibenta mo na lang sa ibang contractor.

“Anong klaseng istilo na ganyang negosyo kaya ang nangyayari naisasakripisyo ang quality ng project, dahil sa limited ang kanyang manpower kaya ganyan ang nangyayari. Sinabi ko sa present PBAC ngayon, natatakot raw sila kasi under the procurement law walang legal basis na gawin nila yan. Ginagawa namin yan before, why they cannot do it?” pahayag ni Domogan.

“Tingnan ninyo ngayon may isang contractor na kahit na ilang bidding manalo sa apat na project, what do you expect? Natural, made-delay yung implementasyon.

“So, I ask the member of the city council a while ago to enact the ordinance that will incorporate what we are saying para maresolba natin itong problema,” saad ng mayor. ABN

RELATED POSTS

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest