Droga, may katapusan pa kaya?

Aug 20, 2017

Marahil hirap nating sagutin ang tanong na ito: kung kailan matatapos ang problema sa salot na illegal drugs sa ating lipunan. Alam ng sang-munduhan na saka lang ito nahalukay nang husto nang umupo si Pres. Duterte. Alam din ng lahat na matagal na ang salot na ito at marami na ang naging biktima sa ating lipunan. Kaya noon hanggang ngayon, salot pa rin ito. At inuulit natin ang tanong: may katapusan pa kaya ang talamak na droga sa sosyodad?

*********

Marami na ang namatay dahil sa illegal na droga. Marami na rin ang kampanya ng gobyerno, noon hanggang ngayon, pero patuloy na namamayagpag  ang naturang isyu. Bakit? Kulang pa ba ang ngipin ng batas? O baka naman nabungi ang mga batas pati na ang mga nagpapatupad nito? O baka naman natapalan ng pera kaya nakakalusot? Kung ganun, ang pinaka-salarin sa salot na ito ay hindi sa droga kundi… pera! Sabi nila habang marami ang kumakagat sa kinang ng pera, hindi mapupuksa ang mga karumal-dumal na krimen lalo na kung may kinalaman sa droga. Marami na ang naging prueba o patunay o ebidensiya sa tandem ng pera at droga kung bakit hindi mapuksa-puksa. Dahil sa kinang ng pera, marami ang nagkukutsabahan. Ibig sabihin, marami ang nagiging bulag, bingi, pipi at walang kaluluwa. In short, bangag na sila sa droga, bangag pa rin sa pera kaya kahit pa sa bunganga ng kanyon, wala na silang kinatatakutan. Para bang matamis na sa kanila ang kamatayan, dahil, marami na silang pinatay dahil sa droga.

*********

Nang sinimulan ng Duterte administration ang kampanya nito kontra illegal na droga, marami ang natumba, nakulong, nakasuhan at napagbago. Pero hanggang sa ngayon, marami pa ring hindi takot sa naturang kampanya. Bulto-bulto pa ring droga ang nakukumpiska. Isama na ang palusutan kung saan idinadaong ang mga drogang ito. Ang pinakahuli nga na iniimbestigahan ng Senado at Kamara ay ang paglusot ng tone-toneladang shabu sa kustom na nagkakahalaga ng P6.4billion.  Grabe at marahil, ito na ang pinaka-malaking bulto ng drogang nakalusot. Galing ito sa Tsina.  At ang masaklap, mas marami pang bulto ang sinasabing nawawala at bilyon din ang halaga. Sabi ng mga taga-kustom, nahihirapan daw silang bantayan ang galaw ng droga sa kustom dahil maraming tao ang nasisilaw sa pera. Kaya nga’t ang sigaw ng ilang mambabatas…dapat ay magresign na si Com. Faeldon ng BOC. Pero, kinabig naman siya ni Digong. So, papaano na mga pards? May mga ulo kayang pagugulungin sa kustom? Kailan? Kapag, marami na ang patay dahil sa droga?

*********

Sabi kamakailan ni Pres. Digong, alanganin siyang masusugpo niya ang illegal na droga sa kanyang termino. Ang dahilan, nasaksihan niyang mga higante ang kalaban, lalo pa’t maraming galamay sa buong bansa. Kaya nga’t sa isang dinaluhang pagtitipon, kanyang ipinakita muli ang kanyang listahan ng mga taong-gobyerno na sangkot sa droga (diumano). Dapat daw ay maubos ang mga ito. Hindi lingid sa madla na marami ng taga-gobyerno ang pinatay. Ang mga ito ay may pagkakasangkot diumano  sa illegal na droga. Sino ang pumapatay? Papaano naman kaya ang mga buhay na nakalista? Susunod din kaya silang mauutas? Hanggang kailan ang utasan? Kapag patay na ba lahat ang mga yan, tahimik na ang bansa hinggil sa illegal na droga? Hanggang kailan magwawakas ang patayan at  pamamayagpag ng droga sa ating sosyodad? Ang kasalukuyang administrasyon kaya ang solusyon? O, dagdag hiwaga sa droga? Abangan! Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest